Chapter 30: Lutang

1372 Words
Marami nga akong narinig na mga tsismis tungkol sakin. Ang landi ko raw. May Ace na nga ako tapos dumidikit pa raw kay Jaden. Ampusa!. Kung alam lang nilang wala naman kaming relasyon ni Ace. Bestfriend ko sya for God's sake. Tapos si Jaden?. How I wish na maging kami nga. Naku! Eto pa. Lagi raw akong nagpapapansin sa dalawa. Suskupo! Bat ang judgemental ng mga tao ngayon?.. Puro nega nasa isip nila. Pinapaniwalaan agad ang narinig kahit walang kumpirmasyon ng mga taong involved. Tsk.. Tsk. Hay naku. "Gurl, tarang canteen.." pinuntanhan ako ni Winly sa upuan ko. Hinihimas na ang kanyang tyan. Katatapos ng third subject namin sa umaga. "Ikaw nalang. Ayaw kong lumabas.." ngumiwi agad ang kanyang labi. "Affected ka gurl?.." "Sino namang hinde?.." "Sus, kung ganung affected ka. It means, totoo yung tsismis nila tungkol sayo?. Ha?.." lumaki ang mata nya. Di ko maiwasang umirap. TF!. Kapag lumabas naman ako, baka sabihan pa ng lumalandi na naman ako.. Kaya ayoko. Pero paano naman kapag di ako lumabas?. Baka lalong sabihan ako ng mas malala. Na pinaglalaruan ko ang dalawa. O my!. Anong gagawin ko ngayon?.. "Tara na. Karen, sama ka?.." Wala na akong nagawa. Basta nalang nya akong hinila palabas ng room. Nakasunod lang rin si Karen samin. "Alam mo Bamby. Wag momg ipakita sa lahat na affected ka sa mga paratang nila. Let them think what they're thingking about you. Hayaan mo silang malunod kakaisip kung totoo ba yung tsismis nila sayo o hinde." "Tsaka. ikaw ang talo kung magpapaapekto ka sa kanila. Ikaw lang naman ang nakakaalam ng totoo. Kaya bakit ka magpapahusga sa kanila." Ani Karen. "Wala namang katotohanan lahat ng sinasabi nila. Sadyang di ko lang malunok minsan. Masyadong masakit.." "E di wag mo silang pakinggan. Hindi pala totoo e." si Karen na kinawit na rin ang kaliwang braso sa kanang braso ko. Pinapagitnaan nila ako ni Winly. "Pero paano?. Kahit nga sa room, pinapatamaan nila ako.." "Nino naman?. Si Joyce?. Oh that biatch!.. Di man lang nahiya sa pinagsamahan nyong dalawa..." Di ako umimik. Iyon nga e. Bakit nya ginagawa sakin ito?. Bat di nalang nya ako diretsuhin sa kung anong problema nya sakin?. Hindi yung ganito na sinisiraan nya ako sa iba.  May ganung klase pala ng tao.. Matapos nang malalim nyong pinagsamahan, iiwan ka lang pala sa ere. Ang malala pa, sisiraan ka nya sa lahat. "Yaan mo na Bamby. Inggit lang yun." Bullseye!. Inggit?. Yun rin ang naisip kong dahilan nya. Inggit sya sakin?. Bakit?. Ordinaryong babae lang naman ako. Sa paanong kinaiinggitan nya ako?. Joyce!, I can't understand your actions. Your reasons. Pumila agad si Winly pagkapasok ng canteen. Umupo lang kami ni Karen sa Isa sa mga bakanteng upuan. "Bamby?." hawak ni Ace ang tray na may laman na juice, sandwich at spaghetti.. "Hi Ace.." si Karen Ang bumati sa kanya. Ako, di alam kung paano sya kakausapin. Tahimik ako hanggang maupo ito saking tabi. "Ang tahimik ha. May problema ba?.." sinisipat ang mukha ko. Mabilis akong nag-iwas ng tingin. "Oh pogi. Anong ginagawa mo dyan?.." sumulpot si Winly sa likod namin. Dala ang tray na may lamang pagkain. "Nakikiupo.. Bakit masama ba?.." "Okay lang naman sakin. Kay Bamby, ask her?.." damn!. Pumikit ako sa kadaldalan nya. Pagdilat. Salubong na ang kilay ni Ace. "Anong problema?.." anya. "Wala.." iling ko. "Yan ka na naman sa wala mo. Tell me?.." humarap pa sakin ng todo. Hawak ang sandalan ng upuan ko. Sasabihin ko ba o hinde?. Hell s**t!. Ayoko ng ganito. "Nahiya na naman. Ako na nga lang. Pasensya ka na pogi ha. Wala ka bang naririnig na mga balita sa room nyo?.." Tumingin lang sya sakin ng matagal bago nagsalita. "Wala. Bakit?.." Bwiset!. Nailang ako bigla sa mata nya. Binabasa kung anong nasa isip ko. "E kasi. Kalat sa buong school na timer daw sya.." nginuso ako ni Winly. Mabuti nalang at walang tao sa canteen ngayon. Kaya okay na pag-usapan lang dito. Tumalim ang kanyang mata. Nakakatakot. "Sinong nagsabi nyan?.." Kay Winly na sya tumingin. Kinakabahan ako. Ampusa!.. Nagkibit balikat lang ang dalawa. Huminga sya ng malalim. Hinagod ang buhok saka bumaling muli sakin. "Hahanapin ko ang taong nagpakalat ng balitang yun at ihaharap sayo. Gusto kong makitang humingi sila ng tawad sa mismong harapan mo. Kaya wag ka ng malungkot.. okay?..." sa mga sinabi nya. Mas Lalo akong kinakabahan. O God!. Sana Lang. Wala syang gawing masama. Iba pa naman magalit ang mabait. Hindi ako umoo o tumanggi sa gustong gawin ni Ace. Hindi naman sa ayaw kong malaman kung sinong nagpakalat nun. Sadyang, umiiwas lang ako sa gulo, sa isyu, sa hot spot, sa apple of the eye kuno. Allergy kasi ako sa mga ganung lagay. Tsaka ayoko ring mandamay ng ibang tao kapag involved ako sa gulo . Oo. Alam ko. Di naman maiiiwasang may madamay. Lalo na yung mga taong dinadamay na hindi naman talaga damay. Ganun. Pabalik na kaming room. Nauna na si Ace kanina dahil may guro na raw sila. Tinext sa kanya. Ngayon, naglalakad kami pabalik ng sikuhin ako ni Winly. Tinaasan ko sya ng kilay. Nagtatanong kung para saan yung siko nya. "Si Papa. Paparating.." Ampusa!. Di ko nagets. "Huh?.." lutang pa rin ako dahil Kay Ace. Saka ko lang napagtanto ang tinutukoy nya. May inginuso sya. Sa kabilang side kasi ako nakatingin. Sa banda ni Karen, dun sya galing. Si Jaden. May buhat na isang malaking kahon na kulay puti. Puno ng mga cartolina. Habang sya ay papalapit. Nag-uumpisa na ring dumagundong sa kaba Ang aking dibdib. Umuulan ng pawis ang palad ko kahit sobrang init. Damn!. Nang makalapit sya.. Ngumiti ito sakin. Ay mali!. Samin pala. Assuming Bamby!. Wake up you little fool!. "San punta mo Jaden?.. Ang dami nyan ha?.." Ani Winly. Agaw eksena sa matang nakatingin sakin. Ampusa!. Ang gwapo nya talaga. Magulong buhok. Medyo pawisang ilong. Kagat ang labi. O gosh!. Air please. Damn his lips!.. I want to kiss.. Ssshhhhh!... Tinignan nito ang hawak saka sumagot. Medyo itinaas pa ang kahon. "Ah. Sa teacher's hall." "Activity nyo?.." usiserang bakla. Nilapitan pa mismo saka tinignan ang loob ng kahon. Wala talagamg hiya. Ngumiti na naman sya bago tumango. "Kayo?. Wala kayong klase?.." grabe!. Ako tinatanong nya. Sakin nakatingin e. Tara Mcdo!. Celebrate tayo. Lol. My heart skipped a bit. "Sa canteen. Nagutom mga alaga ko e..hehe.." himas pa ang tyan na busog na. Iba sya. Tinanguan nya lang si Winly. Pero ang sumunod na eksena di ko na kinaya. "Hmm... Bamby, okay ka lang?.." tulala ako. As in..Totoo ba to?. Tinanong nya ako?. O gosh!. Nag-init buong mukha ko. Kung wala pang kurot sa kung sino man sa daalwa ang likod ko baka pinagtawanan na nya ako. "Lutang yan kaya ganyan.." basag ni Winly. "Huh?. Bakit, may problema ba?.." Anya. Nagtataka na. Kumurap kurap ako sa mukha nya. Kumunot ng di oras ang noo ko. Nagkibit nang balikat ang bakla. Walanghiya!.. Di na nga ako nagsasalita e. Dumadaldal pa. Naku!. Sarap kulutin ang imaginary nyang buhok tapos hilahin ng paulot ulit. Savage. Naglinis ako ng lalamunan. Inaagaw ang eksena ng bakla. "Wala Jaden. Ayos Lang ako.." daig pa sa bagong lutong kanin ang init ng mukha. Feeling ko, ang pula na talaga. Suskupo!.. "Sa lagay na yan... maayos ka talaga gurl?.. Ang weird ha?.." nginisihan pa ako. "Tsk. wag ka ngang maingay.." bulong ko dito. "Ah, Ja-jaden. Mauna na kami. Sige bye." kahit nangangatog ang tuhod ko pinilit ko pa rin itong igalaw para lumayo sa kanya. Tsaka. Yung dila ko na naman. Lagi nalang akong pinapahiya. Mabuti nalang mabilis Ang lakad namin. The air is suffocating for me. Lalo na't sumeryoso na ang kanyang mukha. Si Jaden. "Aray ku naman gurl!..." reklamo ni Winly. Kinaladlad ko kasi ito papuntang room. Si Karen, tumatawa lang sa likod namin. "Ano ba?.." winasiwas na nito ang hawak kong braso nya. "Kasi naman gurl. Si prince charming yun. Bat sinabi mo pa sa kanya?.." singit ni Karen. But I pa sya. Haist!. "Wala naman akong sinabi ah.." namaywang pa. Pareho na namin syang hinarap ni Karen. "Anong wala?. Kung di pa kita kinaladkad dun baka may nasabi ka na." "Ayaw mo nun?. Para malaman nya?.." "Hindi nya kailangang malaman pa.." "Bakit naman gurl e involved sya?.." "Hindi lahat ng bagay ay kailangan nyang malaman Winly, kahit kasali pa sya dun.." "I don't get it.." "Just trust me, okay?. Ako ng Bahala." matagal muna bago sya tumango. At magpasyang pumasok na ng room. Iniwan kami. May mga bagay talaga na hindi dapat sabihin o hindi kailangang sabihin. Kung kaya mong ilihim. Itago mo. Saka mo nalang ipangalandakan sa buong mundo kapag permanente na Ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD