Bumaba akong bagsak ang mga balikat. Akbay ni Kuya Mark. Sa baba nakatingin. Walang mukhang ihaharap sa taong naghihintay na sa akin.
"Magandang gabi kuya.." masigla nyang bati.
"Magandang gabi rin Jaden.." pareho kaming nakatayo na sa harapan nila. Di pa rin nya inaalis ang brasong nakaakbay sakin. Tinatapik tapik pa ang hawak na balikat ko.
Magkahawak ang dalawa kong kamay. Pawisan na. Lintik ang aking kaba!. Dinaig ko pa ang nagrerecite sa recitation Ampusa!. Help me kuya!..
"O Bamby. Yung notebook daw ni Jaden. Gumagabi na. Baka hanapin raw sya sa kanila.." parang kidlat ang boses ni kuya Lance. Tumama sakin ng ilang boltahe dahilan para manigas ako.
"Bro.." hinila ako ni kuya sa kanang gawi ng upuan ni Ace. Saka pinaupo. Tinulungan pa ako dahil wala akong lakas. Naubos. Kinain ng hiya.
"Anyare dyan kuya?.. Haha.." biro ni kuya Lance.
"Lance.." baritonong himig ni kuya Mark. Sinusuway ito. "She's not okay, okay?.." paliwanag nya pa rin. Damn!. This is so awkward!. I wanna run now. As in now!.
"Jaden. Matanong ko lang. Bakit nanghiram sayo si Bamby ng note?.." yung tanong nyang di ko nasagot. Sa kanya nya naman itinanong. Mahusay.
"Kulang kasi yung nakuha nyang current events sa library kanina kuya. Eksaktong papunta naman ako dun kaya kumuha na rin ako ng kailangan nya.."
Dinig kong may mahinang sumipol. Kilala ko na kung sino sya. Walang iba. Ang kapatid kong malakas mantrip. Si kuya Lance. O men!. Shut up!.. Please...
"Kailangan mo ba yung note mo?.."
ang tagapagligtas ko ngayon. On set sya. Thanks kuya!..
"Hindi naman. Extra note ko lang yun. Bakit po?.."
"Ah.. kasi etong kapatid ko. Di mahanap yung note mo. Ang sabi nya. Nilagay nya pa raw sa bag nya bago lumabas ng kanilang room pero wala raw bigla. Hinalughog na nya ang kanyang bag pero wala.."
Nabunutan ng tinik ang aking lalamunan sa narinig mula kay kuya. Ako sana ang magpapaliwanag ngunit wala akong lakas ng loob magsalita. Di talaga ako makapaniwalang hahantong sa ganito ang lahat. Paanong nawala yun?. Posible bang may kumuha?. Sino naman kaya?.
"Ganun po ba.. hehe.." anya. Awkward dude!.
"Hayaan mo bro. Pag nahanap nya. Idadala nalang namin sa bahay nyo.."
"Okay po.."
Ilang minutong katahimikan.
"Bamby, baka nasa kotse ni kuya Lance. Diba nahulog duon kanina yung bag mo?. " singit ni Ace. Duon ko naalala na nahulog nga kanina yung bag. Nakabukas pa. Kaya posible.
"Tara hanapin natin.." alok ni kuya Lance sabay tayo. Sumunod na rin kami sa kanya sa labas. Papuntang kotse nya. Nakabukas na ito ng nakalabas na ako. Silang dalawa ni Ace ang naghahanap sa loob.
"Here!.." dinig kong deklara ni Ace. God!. Mabuti nalang po. Thank you!.
Iniabot agad ni Ace kay Jaden ang note nya.
Itinaas nya naman ang notebook habang nakangiting nakatingin sakin. Di ko naman magawang ngumiti dahil sa lintik na naman na kaba.
"Mauna na ako.." paalam nya bigla. Dun lang rin ako natauhan. Humakbang ako palapit sa kanya. Walang pakialam sa makakakita. Oh well!. Let's just be happy atleast one second. It's not that I want to. Because I have to. Happiness is your choice. Either you take it or just ignore the whole thing like some nothing.
"Hatid na kita sa labas.." presenta ko na tinanggihan nya agad.
"Huwag na.."
"Please.." damn!.. di ko na makontrol feelings ko. Umaapaw sa paghanga sa taong kaharap ko.
"Jaden, pagbigyan mo na. Sa labas lang naman.. Sobrang guilty yan kanina nung malamang nawala nya yang hawak mo. Kaya pumayag ka na.." ani kuya Mark.
Tumikhim naman si kuya Lance. si Ace, nakatingin lang. Wala ang mga ngiting lagi kong nakikita sa kanya.
"Salamat.." anya nang nasa labas na kami. Nakapark sa harapan ng bahay ang motor nya.
"No. Ako dapat ang magpasalamat sayo..Tsaka, pasensya na rin kung pinakaba kita.. hehe.."
Nginitian nya ako saka nilapitan muli. Lumayo kasi sya ng bahagya dahil nilagay sa motor yung note. Bumalik ng mag-usap kami ulit.
"Haha.. ako yata ang nagpakaba sayo e.." natulala ako sa maganda nyang ngiti. Gosh!. Wake me up!. Air please!.
"Ahahaha.. ang cute mo talaga. Sige na. Pumasok ka na. Baka mag-alala na sila sayo.." ginulo nya ang aking buhok habang dinudungaw ang mata kong hindi kumukurap. O MY GOODNESS!.....
Pinitik pa ang ilong ko. Damn!. What's on you Bamby?. Move your little heart Bamby!.
"Pasok na.. hahaha.." inikot pa ako. Duon lang kumurap ang mata ko. Nanigas kanina. Na starstruck sa lalaking di ko aakalaing makikita ko ng ganung kalapit. Daig ko pa nanalo ng loto ngayon. I'm sooo damn happy dude. I think I wanna marry you. Oh sshhh!..
Sinarado ko ang gate pagkapasok. Tumayo sa likod nito. Humugot ng malalim na hininga. Nawalan kasi ako kanina ng hangin. Grabe!. Di ko kinaya yun. As in talaga?!. My goodness!. Anong itsura ko kanina?. Damn!. Lihim akong tumili sa gilid at tumalon talon. Para mabuhayan ang dugo kong pinatay ng kilig. O gosh!.. Ang init!.. Air please!.. Pinaypayan ko ang sariling mukha gamit ang dalawa Kong kamay. Makalanghap lang ng hangin kahit konti.
"Ehen!.." oh s**t!.. Napatili ako sa taong biglang sumulpot. Si Kuya Mark. Nakatayo sa tabi ng poste. Nakasandal sya dun. Sa likod ang kanyang mga kamay. Magkakrus ang mga binti. Nagtatanong ang kanyang mga mata. Nakakahiya Bamby!...
"Kuya naman!. Anong ginagawa mo dyan?.."
"Ikaw, anong ginagawa mo dyan?.." lumapit ito't sinita ako mula ulo hanggang paa.
Taranta naman akong naglakad palayo sa kanya. Dumiretso sa garden na may ilaw na. Maingay na dumadaloy ang tubig sa maliit na falls na nakakunekta sa isang fish pond. Mga pet nya.
"O?. Saan ka naman pupunta?. Nagtatanong lang naman ako ah?.."
Umupo ako sa tabi ng pond. Pinapanood ang mga isdang abala sa paglalangoy.
"Anong pinag-usapan nyo kanina ni Jaden?.." usisa nya.
"Wala.." mabilis pa sa alas kwarto ang pagtanggi ko.
"Talaga?. E ano yung nakita ko kanina sa labas?.." oh damn!.. Take a deep breathe and chill Bamby. Baka malaman nya yang sikreto mo.
"Ah. Wala lang yun kuya.."
"Really?.." ayaw pang maniwala. Juicekupo!. Nadale na.
"Hmmmm..." ito lang ang nasabi ko dahil kabadong kabado na talaga ako. Nanunuot sa lalamunan.
"Pero hindi yun ang nakikita ko.. May hindi ba ako alam ha?.."
Kung si Kuya Lance, mabilis mahulaan ang lahat sakin. Sya naman yung taong mahilig basahin ang bawat kilos ko. Kaya Wala talaga akong takas ngayon kundi magpaliwanag.
"Wala lang yun Kuya.." paliwanag ko pa rin. Pero hindi na sya umimik. Ibig sabihin, hindi na sya kumbinsido sa paglilihim ko sa kanya.
Nagpakawala ako ng mabigat na hininga. Bago nagsalita. "Okay.." pinutol ko ang akmang sasabihin. Damn!. Ayoko ng ganito Kuya. Nahihiya ako.
"What's that okay for?." Anya. Tumayo ako at humarap dito.. Bahala na nga.
"Kuya naman e..'" Di ko kaya bes. Pikit Ang aking mata. Ayaw ipakita sa kanya.
"Hmmmm.. wag mo ng sabihin. Alam ko na kapatid.." ngumisi sya sakin ng dumilat ako. Yung mukha ko, hindi na maipinta. Sobrang pula na. Damn it!..
"Kahit hindi mo pa sabihin sakin. Yang mga galaw mo at yang mata mo. Ang nagsasabing gusto mo sya.. Tama ba ako?.." ako'y natulala sa kanyang mukha. Am I too obvious?. Hell s**t!..
"Ahahahaha... I knew it!.." hagalpak pa nya. Tinakpan ko ang mukha sa kanyang tawa. Pinapahiya nya ako e. Kuya naman.
"Kuya, stop please. It's embarrassing.."
"Ahahahaha!..." hanggang pagpasok ng bahay tumatawa pa rin sya.
Dumiretso ako sa tabi ni Ace na tumingin pa sakin nang tumabi sa kanya. Nanonod na sila ng tv. Silang dalawa ni Kuya Lance.
"Umalis na sya?.." bulong nya. Nasa tv na ang mata ko. Horror pa. Kaya yung unan na nasa tabi ko, kinuha ko at pinatong sa binti. Pantakip na rin ng mata kapag lumabas yung multo.
"Kanina pa.."
"E bat ang tagal nyong pumasok?.."
"Wala. Nagkwentuhan pa kasi kami ni Kuya.." Di na sya mulling nagtanong pa. Mukhang nakuntento sa naging sagot ko.
Ang hindi mawala sa isip ko kanina pa. Ay yung sinabi ni Jaden kanina. Na, sya raw ang nagpakaba sakin. Ano kayang ibig sabihin nya dun?. Ang weird!..
"Gusto kita Jaden. Gustong gusto kita.." bumuhos ang luhang kanina pa pinanlalabo ang paningin ko.
"Sorry Bamby..May iba na akong gusto.." hindi na malinaw ang nakikita kong mukha nya.
"Please Jaden. Ako nalang.." sumamo ko dito. Hinahabol sya palayo sa akin.
"Jaden!.." sigaw ko habang humahagulgol. Huminto sya sa paglalakad saka pumihit paharap sakin. Nakatayo lang sya. Pinapanood akong umiyak. Nagmamakaawang mahalin rin ako. This is so crazy!. TF!.
"Stop loving me cause I don't like you. Stop following me because I don't want you to.." iyon na ata ang pinakaamasakit na salitang narinig ko buong buhay ko dito sa mundo. Gosh!.. Ang sakit!. I can't take it anymore.. Air please. I really do need to breathe. My wild heart is dying. It breaks into pieces. Hagulgol pa rin ako.
"Bamby, wake up!.." yugyog ng kung sino ang balikat ko. Until until kong iminulat ang mata kong may luha. Basa talaga sya. Panaginip?. Panaginip lang iyon?. Ang bad naman. Di ko kinaya.
"You are just dreaming.." Ani kuya Lance.. Sya ang gumising sakin. Nakapamaywang. Salubong ang kilay. Tapos na itong naligo. Suot na nya ang puting sando at asul na pantalon. Tsaka putting medyas.
Hinawakan ko ang gilid ng aking mata. Totoo nga. May luha. Totoong umiyak ako. Damn!. Ano yun?. Lucid dream.
"Anong nasa panaginip mo?. Kung di pa kita pinasok dito baka umiiyak ka pa rin.." Anya. Inaayos ang buhok sa harapan ng salamin.
"Di ko na maalala. Basta ang alam ko. Nakakatakot sya.." Yung huling sinabi lang ni Jaden ang tanging naaalala ko. Wala ng iba. Yung masakit na part pa. Bat di nalang Kaya yung masaya at nakakakilig?. Badtrip na panaginip. Tinatakot pa ako.
May mga panaginip talaga na kapag gising ka na di mo na maalala. Ganyan ako madalas. Ngayon lang, may naiwang alaala. Tungkol pa sa kanya.
"Mukhang masama nga dahil umiiyak ka."
Di ako sumagot. Tumitig lang sa kawalan.
"Don't try to remember. Hindi mo na yun maaalala pa. Bumangon ka na dyan. Maligo para makapag-almusal na. Nagpapalit na si Ace. Nakakahiyang malate tayo.." bilin nito bago lumabas at sinarado ang pintuan.
Dun lang rin ako gumalaw. Nag-unat. Tumalon. Diretsong banyo para maligo.
Pagkatapos magbihis. Bumaba ako. Nadatnan silang nag-aayos ng hapag.
"Good morning Bamby.." nakangiting bati ni Ace. Bumalik na sa maaliwalas ang kanyang mukha. Hindi na tulad kagabi na parang pinagsakluban ng langit at lupa.
"Good morning.." masayang bati ko sa kanilang lahat. Humalik sakin si Mama habang hawak sa kamay ang mga pinggan. "You okay?.." bati ni Kuya Mark sakin.
"Yeah..I'm pretty okay.. why po?.."
"Nakwento sakin ng kuya mo na umiiyak ka raw kanina. Bakit?.."
"Ah that. Wala yun. Masamang panaginip.."
"Wag kasing kumain ng marami kapag gabi."
"Ilang kutsara na nga lang kinain ko kagabi e.."
"Bawasan mo pa.."
"Wag mo nalang kaya akong pakainin?." sinamaan ko sya ng tingin. Tumawa ito. Lumapit saka humalik sa tuktok ng ulo ko. Oh!. Sweet side of him.
"Kain na. Wag nyo nang guluhun yang kapatid nyo.. Baka mabadtrip pa yan. Keaga aga.." pinaupo na ako ni Mama sa tabi ng upuan ni Kuya Mark. Kanang bahagi ng mesa..
Pagkarating ng school. Sinalubong agad ako ni Winly.
"Gurl, totoo ba yung balita?.." Yung magandang araw ko, napalitan agad ng kunot na noo. Ang aga. Juicekupo!. Ano na naman ito?.
"Two timer ka daw?.." damn!. Sinong nagsabi nun?. Sasabunutan ko?. Matalim ko lang syang tinignan. Di na isinatinig ang nasa isip.
"Di ko alam kung kanino galing pero kasi kalat na sa buong school ng ganitong kaaga gurl. Di ko kinaya kaya sinalubong na kita.."
"Hell s**t!. Sinong taong gala ang nagbalita nyan?.." kunot na kunot ang noo ko. Mabuti nalang at ibang daan pa ang tinahak nila kuya at Ace dahil kung hindi, nakakahiya. Trending ang pangalan ko kahit wala lang naman. Bwiset!.....
"Ampusa!. Di ko alam gurl..." kinawit nito ang kanyang braso sa braso ko. "Tsk. Hayaan mo na nga lang. Mga inggitera lang sila." naglakad na kami papasok ng room. Dinadaanan ang mga matang nakamasid.
Bakit kaya ang bilis kumalat ng mga walang katuturang balita ngayon?. Tapos yung may sense, yun pa ang binabalewala. What a useless common sense!.. Tsk. Tsk..