Di ko alam kung ilang oras tumigil ang mundo ko. Naglalayag ang isip ko kung anong ibig nyang sabihin sa mga iyon. Sinadya nya ba talagang isulat ang mga yun o hinde?. Bulong ng isang parte ng utak.ko ay, maaari. Kung hindi nya sadya, bakit sinulat pa nya?. Diba?. Sa mismong kaarawan ko pa. Kung di nya naman sinadya. Sinong anak ng baliw ang magpapadala ng sulat sakin ng ganito at gamit pa ang pangalan nya?. Nalilito na ako.. Seriously. Isa lamang sa dalawang nabanggit ko ang maaari doon. Malakas ang kutob ko sa una. Dahil, noong unang pag-uusap namin, nang araw ng reunion. Doon, may nabanggit nga syang lalaki noon. Ang mali ko lang. Di ko inaalam kung sino. Tapos ngayong, nalaman na nga nyang kami na nitong taong gustong gusto nya. Heto pa rin sya, pinipilit abutin ang taong nakatali na.

