Gabi nang kaarawan ko ay naging masaya ang lahat. Lalo na ako. Hindi ko aakalain na may isasaya pa pala ang pagiging masaya ko matapos nang kadramahang iyon. Di lang kantahan ang nangyari. Sumayaw ang lahat dahil sa pasimuno nina Kian at Aron. That's the best day of my life. I couldn't ask for more. Pero ika nga nila. Hindi lahat ng araw ay masaya. Darating ang araw na masasaktan ka't hihiling na sana bumalik muli ang araw na naging masaya ka. After nilang umalis. Nagpahinga na kaming lahat. Nangulit pa si Jaden ngunit inantok na talaga ako. Umaga nalang nang mabasa ko ang lahat ng mga mensahe nya. Mahal kita Bamby. Tulog ka na ba?. Bat di ka na nagrereply?.. Baka tulog ka na nga.. hahaha.. Good night.. happy birthday ulit.. I love you.. Iyon ang mga mensahe nyang kakabasa ko lang.

