Chapter 150: Goodbye

999 Words

Humakbang ako ng paisa isa. Hindi ko malaman kung tatakbo ba ako o sisigaw. Hindi ko talaga alam. Lalong lumakas ang buhos ng ulan na sinabayan rin ng paghagulgol ko. Tinakpan ko ang bibig para hindi nila marinig. Di naman nila maririnig dahil sa lakas ng ulan. Pero ginawa ko pa rin. Tangina! Nangako sya diba? Nangako syang hindi magpapaapekto sa tukso?. Ano ngayon yung nakita ko?. Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano sya magpakalunod sa tukso. Nangako sya. Kumapit ako doon. Mali bang maniwala ako sa pangako nya?. Naniwala ako. Buo. Malaking tiwala ang binigay ko. Pero bakit ganito?. Bakit, kung kailan minahal ko na sya ng todo?. "Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD