Chapter 12 NAKAHIGA na ako sa kwarto ko’t naririnig ko pa rin naman sila Michael at Victor pero hindi ko iniintindi ang pinag-uusapan nilang dalawa. Nauna akong pumanhik sa kanilang apat dahil hindi ko gustong makarinig pa ng usapan tungkol sa pagtabi ni Michael kay John kagabi. “Tulog ka na po ba?” Boses ni Michael sa kabilang kwarto napatingin talaga ako sa pader--, “…bakit po meron nang harang ang butas? Hindi mo po ba gusto na nakikita si Kuya Victor o kinukulit ka po ba niya sa gabi?” “Bakit ka nasa kwarto niya?” “Kwarto ko po ‘to—bale, nagpalit na po kami ulit. Hindi mo po ba gusto na—ako na ulit ang katabing kwarto mo?” “Syempre gusto—” Tumagilid ako’t kaagad kong inalis ang kahoy na pinangtabing ko sa maliit na butas na nagisisilbing bukas na komunikasyon namin noon ni M

