Chapter 12.2 NAUNA na kaming dalawa ni Michael dito sa dalampasigan—pero pasunod na rin naman din ang tatlo. Wala naman kaming ibang gagawin talaga ngayon araw kaya naman napagdesisyonan kaagad namin magpunta na lang din muna sa kabila ng isla. Nakasukbit sa kaliwang balikat ko ang nakapalupot na lubid na gagamitin namin pangkapit papunta sa maliit na butas kung saan meron mga nakatagong mga ginto. “Michael, masaya talaga ako dahil hindi na ganoon kasama ang loob mo sa akin.” Mahinahong pagkakasabi ko sa kaniya pagkalapit namin sa balsang gagamitin namin. Kinuha niya sa akin ang lubid at tumingin sa mukha ko. “Alam mo Eric, naiinis ako sa sarili ko kasi kahit na anong sama ng loob ko sa’yo mabilis naman talagang nawawala ‘yon dahil nga lagi naman kitang nakikita. Ang weird lang ka

