Chapter 12.3 “LOOK at Victor and Stephanie. They’re really a beautiful couple, right?” Narinig kong sabi ni John kay Michael. Nasa likuran balsa ang mag-syota habang narito naman kaming tatlo sa unahan. Dalawang metro ang layo ko kay Michael habang papalapit sa kaniya si John na meron hawak hawak na prutas. Napatingin naman si Michael sa kabilang balsa kung nasaan ang dalawa. Nangangalahati na rin naman kami sa paglalakbay namin—tinutulak na lang kami ngayon ng hangin kaya naman pwede kaming huminto sa pagsasagwan talaga. Hinding hindi pa rin talaga matatawaran ang napakagandang senaryo ng kapaligiran. Malawak na kalangitan, malawak na karagatan at ang isla na nasa aming tagiliran kung saan kami pansamantalang naninirahan. “Kaya nga—I am really happy for the both of them.” Mahinahong

