Chapter 14.7 ILANG araw din nag-uulan kaya naman wala kaming ibang ginagawa kung ‘di ang magkubli lang sa loob ng aming mga kwarto’t hindi kagaya noo’y maingay, masaya at ang lahat ay nag-uusap usap. Dumating na rin kami sa punto na kung sino ang nagugutom ay magkakanya-kanya na lang na parang wala nang pakialamanan talaga. Hindi naman nanging malamig ang pakikitungo sa akin ni Michael, may mga pagkakataon na nagsasabay kaming kumain dalawa kung minsan ay hindi siya kumakain kahit na inaalok ko siya. May mga gabi naman na wala si John o hindi nauwi’t bumabalik kinabukasan at walang ibang gagawin kung ‘di ang matulog lang na parang ginagawa niyang pahingahan na lang talaga ang kwarto niya. Samantalang ang magsyota naman ay bumalik naman ang pagiging malambing ni Victor sa kaniya’t h

