Chapter 11 TINULUNGAN naman ako kaagad ni Michael sa pag-alalay kay Stephanie dahil mas marami talaga siyang nalalaman pagdating sa mga hayop. Nalaman niya kaagad sa unang tingin pa lang kung anong uri ng ahas ang nakatuklaw sa binti ni Stephanie. Nagkukulay violet na talaga kaagad ang bahaging balat na ‘yon at nahihirapan ng makahinga talaga si Stephanie. “What are you doing Kuya Vic?” “Sisipsipin ko ang sugat.” Sagot nito at kaagad naman inilayo ni Michael si Victor. Halatang natataranta na siya—kita ko naman ang kaba sa reaksyon ni Michael pero pinalalakas niya pa rin ang loob niya—kita rin ang matinding pag-aalala niya para sa kaibigan niyang si Stephanie na hindi na talaga namin makausap pa. “Baliw ka ba Kuya Victor? Kapag sinipsip mo ang sugat niya, it’s more likely na pumasok

