Chapter 11.2 NALAMPASAN ni Stephanie ang unang isang oras ng pagiging kritikal ng kalagayan niya. Kitang-kita ko naman sa kaniya na pilit niyang nilalabanan ang lason na kumakalat sa loob ng katawan niya—hindi niya pa gustong iwanan kaming apat dito sa isla. Patuloy at hindi naman tumigil sa pagdadasal si Michael na sinasabayan pa rin naman ni John. Nakaupo lang si Victor sa isang sulok ng puno at halos lubog na ang kaniyang mata sa kaiiyak, tahimik naman na siya ngayon pero tulala pa rin at bakas pa rin ang pangamba sa maaaring mangyari kay Stephanie sa loob ng buong magdamag. Maya’t maya ang ginagawa kong pagpupunas sa katawan ni Stephanie ng basang tela upang kahit papaano’y mapababa ko ang init ng kaniyang katawan. MABILIS pa ng lumipas ang mga oras at unti-unting nawawala na an

