Chapter 12.9 WALANG gustong mapag-usapan ang nangyaring komusyon sa pagitan naming dalawa ni John kagabi—at tikom pa rin ang bibig ni Stephanie sa kaniyang nasaksihan sa kweba habang wala rin kaalam-alam si Victor na nakita siya ng syota niya habang nakakandong siya sa akin. Nandito pa rin kaming lima na para bang kahit na sa sobrang dami ng alak na nainom namin ay tila ba dumaan lang ‘to sa katawan namin at wala na kaagad ang epekto kinaumagahan. Ibang iba ang katahimikan—malayong malayo sa mga nagdaang araw na masaya, maingay, nagkukwentuhan at nagbibiruan bago pa man sumikat ang araw. Inaasikaso ni Victor ang mga balsa’t kasama naman niya si Stephanie roon—ilang metro ang layo nito mula rito sa kinatatayuan ko’t hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila pero sigurado akong nag-uu

