Chapter 13 NAKIKITA kong laging nag-iisa si Michael. Malayo ang tingin at parang laging walang gana—tahimik at kung minsan ay tila pilit ang mga ngiting pinakikita niya sa amin sa tuwing magkakasama kaming lahat sa mahabang mesa habang kumakain. Nawala ‘yong dating sigla niya—pinagkait na rin niya sa akin ang mga dimple niya na nagbibigay ganda sa kaniya sa tuwing pinagmamasdan ko siyang masaya. Dalawang linggo na rin mula noong nanggaling kami sa kabila. Dalawang linggo na walang nasasagap na kahit na anong koneksyon si Victor sa radyong nakuha namin kaya naman hindi na muna niya ‘to ginamit pa upang hindi masayang ang natitirang baterya nito. Dalawang linggo na ang lumipas ngunit hindi ko na nakitang nagdagdag pa ng guhit si Michael sa ibaba ng puno—nakita ko siya minsang tumayo

