Chapter 13.4 ITO naman ako sa pinakamalalim na bahagi ng iniisip ko habang pinagmamasdan ko ang apat sa harapan ko. Masyado akong naapektuhan sa lahat ng mga sinabi sa akin ni John—lalo na ang tungkol kay Victor na malayong malayo sa pagkakakilala ko sa kaniya at habang pinagmamasdan ko siya sa kaniyang palabirong mga banat—nakikita ko pa rin naman ‘yong Victor na sinubukan niyang ipakilala sa amin, sa ganiyang paraan niya—walang nakakaalam na meron nangyayari sa aming dalawa, walang nakakaalam ng nararamdaman niya tungkol sa akin—kayang kaya niyang itago kung anomang lihim meron siya nang hindi nalalaman ng mga kasama niya. Si Stephanie naman—hindi ko lubos maisip na nakokontrol din siya ni John—meron siyang nalalaman na hindi ko rin talaga napapansin, meron siyang mga sinasabi sa

