Chapter 13.5 PATULOY na binabasa ng buhos ng ihi ko ang malaking ugat ng punong kinatitirikan ng bahay namin—dito sa likod. Madilim—maingay ang mga insektong nakatago sa mga halaman at mga dahon. Nag-akyatan na rin naman ang mga kasama ko sa taas. Pinakiusapan ako ni Michael kanina na huwag na munang babanggitin kay Victor at Stephanie ang tungkol sa mga sinabi niya sa akin tungkol kay Victor—tska na raw niya kokomprotanhin si John—bago kami umalis o pagkaalis namin dito. Bago ko ipagpag ang t**i ko’y biglang meron kumagat sa kaliwang leeg ko’t pumayapos—nang mapansin at makilala ko kaagad ‘to’y inilayo ko siya kaagad sa akin— “What the f—uck John! Ano ba?! Nababaliw ka na ba talaga?” Pinunasan ko ang leeg ko’t nalawayan niya. Pinasok ko na kaagad ang t**i ko sa loob ng pantalon ko

