Chapter 14.4 *** Otor’s note: Last 2 Chapters na lang po ang TLI ( Chap 15-16 ). Hanggang next month na lang po ‘to ( 2nd week ) at mala-lock na rin po ang mga Chapters 3 days after ng FINALE po. Next month din iupdate ko na rin ang N3 while naka process ang contract. Now pa lang, I would like to thank you for all the support you give sa story na ‘to, ‘yong mga comments niyo and mga follows niyo po! Iyon lang muna. **** “PASENSYA ka na kanina kung nasaktan kita—nabigla lang din talaga ako sa sinabi mo.” Mahinahon kong pagkakasabi kay Victor pagkalapit ko sa kaniya. Dalawang metro naman ang layo sa amin ni John habang masama ang tingin sa akin—kanina pa rin talaga walang nagsasalita’t kumikibo man lang—sinasabayan nilang dalawa ang katahimikan ng malawak na karagatan. Kasal

