Chapter 14.3 MAAGA kaming nagising at hinandaan kami ni Stephanie at Michael ng mga dadalhin namin sa pag-ikot namin sa isla—sa pagbabakasakaling meron kaming masagap na tawag. Ito ang huling alas namin habang nandito pa kami sa isla, kung hindi pa rin talaga kami papalarin—wala kaming ibang pwedeng gawin kung ‘di ang maglayag ng sama-sama kung talaga gusto na naming umalis dito sa isla na ‘to. “Are you okay, Eric?” Tanong ni Michael na hindi ko man lang napansin ang paglapit niya sa akin—napatingin ako sa kaniya’t meron siyang hawak hawak na mainit na maiinom at inalok niya sa akin na kaagad ko naman kinuha. “Thanks. Yeah. I’m—okay.” “You sure? Kanina ko pa kasi napansin na parang ang lalim ng iniisip mo-actually pagkagising na pagkagising ko’t iyon kaagad ang napansin ko sa’yo.”

