Chapter 14.2 “KASING lalim ba ng dagat ang iniisip mo ngayon pre?” Humakbang ako papalapit sa nakaupong si Victor sa dulo ng talampas habang sinasalubong ko ang malakas an ihip ng hanging dumadampi sa katawan ko. Mula rito sa taas at rinig na rinig ko—namin ang naglalakasan hampas ng naglalakihang mga alon—pati na rin ang mga huni ng mga puting may malalaking pakpak na ibon na nagliliparan sa kalangitan. Halos abot kamay lang din talaga namin ang ulap na dumadaan sa asul na kalangitan. “P-pre… anong ginagawa mo rito?” Napalingon siya sa akin habang hawak hawak ang radyo’t napansin ko rin ang antena na nakatayo hindi kalayuan sa kaniya sa bandang kaliwa. “Relax lang pre—wala akong gagawin sa’yo—o wala tayong gagawin. Nakasanayan mo na talaga na lagi kang kinakabahan sa tuwing tayon

