Chapter 7.5 “SAAN tayo pupunta?” Tanong ni Stephanie na nakayakap sa kaniyang katawan na nababalutan ng basang kumot. Nasa labas na kaming apat ng aming bahay at hindi na talaga namin maisasalba pa ito. Matibay ang pagkakagawa disenyo ni Victor pero hindi nito kakayanin ang ganitong uri ng bagyo sa mga ginamit namin rito lalo pa’t nasa bungad kami ng karagatan kung saan nangggaling ang malakas na ihip ng hangin. “Kailangan natin umalis na rito at maghanap ng masisinulungan sa loob ng gubat.” Sagot ni Michael na kita’t damang-dama ko na rin talaga ang pangangatog ng buong katawan niya. “Anong gagawin mo Victor?” Tanong ko’t akmang papasok siya sa loob ng bahay. “Kailangan natin maisalba ang mga gamit natin. Baka mawala ang mga ‘yan pagtila ng ulan.” Sagot nito’t pumasok muna sa loob.

