Hope's Pov "Are you really going back this soon?" tanong ni Kei na kasama naming bumalik dito sa isla ni Mama. Well, nandito kasi ang spell circle na nagdala sa amin sa panahong ito kaya kailangang ito din ang gamitin namin para makabalik ng ligtas sa tamang panahon namin. And he is not actually happy about it. Gusto pa nyang magtagal kami dito pero hindi naman iyon pwede dahil masama na talaga ang kutob ko sa anumang nangyayari ngayon sa panahon namin. "I already told you the reason, right." Bumuntong hininga sya. "I know. Pero marami pa akong gustong gawin kasama ka." "Then, hintayin mong maipanganak ako ni Heya." Muli syang bumuntong hininga. "As if may pagkakataon akong makasama ka." Inirapan nya ako. "I already know everything that will happen in our future

