Hope's Pov "What did you said?" Nanlaki ang mga mata ko matapos marinig ang sinabi nila. "2 years kaming nawala sa panahong ito?" Sabay-sabay silang tumango. Nandito na kami sa mansion at ipinapaliwanag nila ngayon sa amin ang mga nangyari mula nang mawala kami dito. "Pero dalawang linggo lang ang itinagal namin sa nakaraan." ani Graysean. "Kung hindi nga lang nakakaramdam ng masamang kutob itong si Heydrich ay baka nagtagal pa kami doon." Hindi ko inasahan na ganoon kalaki ang kaibahan ng oras na itinagal namin sa nakaraan at sa oras dito sa kasalukuyan namin. Ibig sabihin ay marami ang mga posibleng nangyari dito habang wala kami. "So? What happen here? Ah, before you answer that." Isa-isa ko silang tiningnan. "Nasaan si Tamara at Lyle?" Pare-parehong na-tense

