3rd Person's Pov Nagsimula ang mainit na engkwentro sa pagitan ng panig ni Heydrich at panig ng mga Hunter. Kaharap ni Heydrich ang seirei-vampire hybrid habang si Kei at ang kanyang mga heneral naman ang humaharap kay Vergara maging sa mga tauhan nito. Habang ang iba pa naming kasama ay pinagtuunan ng pansin ang ilang vampire na naging bihag ng mga hunter. "Now I know why they think that you are the strongest." sabi ni Heydrich habang hawak ang tagiliran na nasugatan ng mahabang kuko ni Bril, ang seirei-vampire hybrid na kanyang kalaban. "Malaki talaga ang naitulong sayo ng dugo ng mga Sierra na dumadaloy sa dugo mo." "I know." Ngumisi ito. "Kaya nga ngayon palang ay sinasabihan na kita. Hindi ka kailanman mananalo sa isang tulad ko." "Nah, iyan naman ang bagay na sig

