Hope's Pov Agad akong bumalik sa loob ng palasyo kung saan ko iniwan ang mga kasama ko at naabutan kong maging ang laban nila ay tapos na. May mga sugat ang ilan sa mga heneral dahil sa silver weapon na gamit ng mga hunter ngunit hindi naman iyon ganoon kalala at kailangan lang maghintay ng ilang sandali bago ito tuluyang humilom. Bakas naman ang pagod sa mga mukha ng squad ko na ngayon ay nakaupo sa gilid habang binabantayan ang mga walang malay na si Yoo Vergara at ang mga kasama nito. "Did they give you a hard time?" akma silang tatayo pero agad ko silang sinenyasan pagkuwa'y naupo sa harap nila. "Well, dahil lang naman sa mga weapon na hawak nila kaya nahirapan kami but their skills is a mess so we didn't really had a hard time." Graysean said. He lay down and use m

