Hope's Pov Matapos ang ceremony ng pagkakasundo ng tatlong grupo ay agad na akong pumunta sa opisina ni Kei dahil gusto ko din itong makausap. Hindi para awayin. Aba, ang laki kaya ng naitulong nya sa akin tapos maglalakas loob pa ba akong awayin sya? I just wanted to thank him. Beside, naiintindihan ko ang lahat ng naging desisyon nya and he just wanted to protect me and that's the only thing he can do because he was still powerless that time. Excited pa akong makita ang lalaking iyon pero nawala ang lahat ng saya at excitement na nararamdaman ko kanina nang makita ang dalawang nilalang na hindi ko na sana gusto pang makita pagkatapos ng mga naaalala kong ginawa nila. "Heydrich, anak!" Akma akong yayakapin ni Hina pero agad akong umiwas sa kanya at lumapit kay Kei

