Hope's Pov "I don't have the ability to manipulate someone's memory so I can assure you na lahat ng nakita mo ay sarili mong alaala na binura ko noong dinala ka sa akin ni Kei." Iyan ang sabi ni Leora nang pagdudahan ko ang mga nakita kong alaala. They can't blame me, right? Buong buhay ko, ang kinilalang magulang ko lang ang mga nilalang na pinahalagahan ko. Bago at habang nasa ospital ako, sila at sila lang ang inaalala ko hanggang sa maging bampira ako, sila pa din ang iniisip ko sa pag-aakalang sila ang mga magulang ko. Pero isang malaking kasinungalingan pala ang lahat. Kung sino pa ang mga nilalang na gustong kong iligtas sa gulong ito ay kasama naman pala sa mga naging dahilan kung bakit nagsimula ito. Ipinaliwanag na din sa akin ni Leora kung bakit malinaw sa al

