Hope's Pov Maaga akong gumising kahit halos madaling araw na akong nakatulog. Hindi kasi ako mapakali at pakiramdam ko ay hindi safe ang mansion. And I think dahil din iyon sa presensya ni Heidi na ramdam sa kabuuan ng lugar. She has this kind of bad aura na talagang nakaka-disturb. Hindi kaya ramdam iyon ni Heya? Napalingon ako sa pintuan nang bumukas iyon at bumungad si Heya na mukhang nagulat pa nang makita akong gising. "Maaga pa, huh." "Sa aura'ng bumabalot sa mansion na ito, sa tingin mo ay makakatulog ako ng maayos?" balik ko sa kanya. "Oh." Inilapag nya sa table ang bitbit. "Sorry about that. Hindi ko alam kung bakit ganito ka-disturbing ang aura ni Heidi kaya nga maging ako ay hindi masyadong nagtatagal dito. Pero kapag narito ako ay naglalagay ako ng barri

