Hope's Pov Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mainis dahil pagbukas ko palang ng pintuan ng kwarto ko ay mukha agad ni Kei ang bumungad sa akin. Hays! Seryoso ba talaga ang batang ito? "May oras ka na siguro ngayon." "Wala man lang hi or hello?" sarkastiko kong sabi. "Or good morning." "Good morning, Heydrich." walang gana nyang sabi. "Now. Do you have a time? I have a lot of question for you." Tinitigan ko sya pagkuwa'y bumuntong hininga. "Pwedeng kumain muna ako? Parang hindi ka makapaghintay na makausap ako, huh." "I don't have much time dahil bukas na ang ceremony ng pagtatalaga sa akin bilang crown prince." "Ah." Isinara koang pintuan at nagsimulang maglakad papunta sa dining table pero agad din akong natigilan nang ma-realize ang isang bagay. Gulat

