Hope's Pov Dinala kami ni Lolo Kreyhart sa isang silid na pinalibutan ng barrier dahil ayon sa kanya, walang ibang nakakaalam sa mga nilalang na nasa panahong ito na sya ay galing sa hinaharap. "Pakipaliwanag nga po ang lahat?" agad kong sabi nang maisara na nya ang pintuan. "Paanong galing din kayo sa panahon namin?" "Hindi ko din alam ang mga pangyayari nang araw na iyon. Ang tanging naaalala ko ay matapos kong ipasa ang korona kay Kei ay may lumabas na spell circle sa throne hall ng palasyo at binalot kami ng liwanag." sabi nya. "At nang imulat ko ang mga mata ko ay ang unang bumungad sa akin ay ang mukha ni Heya." "Nasaan ang emperor ng panahong ito?" Nagkibit balikat sya. "Hindi ko din alam. Sa loob ng limang taon ko dito ay hindi sya nagpakita sa akin. Iniisip ko

