Hope's Pov Hindi ko alam kung ako ba o si Kei ang nag-e-enjoy sa paggala namin dito sa market pero feeling ko, ako talaga eh. Kasi naman, halos lahat ng stall na makita ko, especially sa mga pagkain ay agad kong pinupuntahan. At wala syang choice kundi sumunod sa'kin. Pero sa huli ay nae-enjoy din naman nya ang mga pagkaing binibili ko kaya hindi na din ako nag-hold back. Kung anu-anong gamit din ang binili namin. Souvenir ng paggala nya dito sa market at kung sakaling pwede kong madala sa pagbalik sa panahon namin ay souvenir ng pagkakapadpad namin sa panahong ito. And after we fnished all the stalls on market, hinila ko sya papunta sa isang amusement park na hindi lang kalayuan at sinakyan namin ang lahat ng rides na mayroon. Doon ko nakita kung gaano kasaya si Ke

