
Paano nga bang manligaw, ano ba ang dapat gawin pagnangliligaw, saan ako magsisimula? Mga tanong ko sakin mga kaibigan habang sila'y nagtatawanan. " Sino ba satin marunong manligaw? sanay na tayong tayo ang nililigawan ng mga babae halos maghubad na nga sila satin harap." sagot ng isa kung kaibigan.
"Wala pa nga yan sa kalingkingan ng mga naging babae mo, isang simpleng babae hirap na hirap kang makuha, ano bang meron siya at nagkakaganyan ka, hindi na yata kita kilala, ibang iba kana ngayon" ani pa ng isang kaibigan niya.
"TORPE" sagot sakin ng aking kapatid na babae, halos isigaw na niya sakin mukha saka ako iniwan "tsk"... Sino ba ang puwede kung makausap na matino, yun p'wede mag-advice ng dapat gawin.
