Hanggang ngayon hindi pa rin maiwasan ni Clark na mahulog kay Floryn. Sino ba namang hindi mahuhulog sa anghel ng mga bulaklak? Sobrang ganda nito. Mabini kumilos at napakabait. Bukod roon ay napakaganda ng kanyang pag ngiti. Bumibilis ang t***k ng kanyang puso sa tuwing tatawa ito sa mga biro niya. Floryn is like a beautiful rose flower. He can't pick her stem because of the thorn. Parang pag ibig niya rito. Pinagbabawal sa Kalangitan kung kaya't wala siyang magawa kundi pagmasdan nalang ito. Kesa magkasala. Ayaw niya ring maparusahan ang dalaga dahil sa pag ibig na ninanais niya. Minabuti nalang niyang mag ensayo at magbasa ng gospel. "You're good at reading gospel now. Nakakatuwa naman."masayang sambit ni Floryn sakanya. Ngumiti lang si Clark at ipinagpatuloy ang kanyang pagbabasa.

