Maagang pinatawag ang mga anghel para sa Unang Misyon nila ngayong taon. Kaya nagsipuntahan na sila sa mismong Holoseyo para pakinggan si Gabriel. Libo libong Anghel ang nagtungo roon para makinig at sundin ang utos ng Diyos. Ginising naman ni Floryn si Clark para isama sa meeting. Dahil binilin sakanya ni Gabriel na isama ito bilang mamumuno sa Hukbo. Sinunod naman iyon ni Floryn. "Clark, gising na..Tara na..Kailangan mo umattend sa pagtitipon para sa Unang Misyon mo rito. Bukod pa ang sa digmaan."seryosong sabi ni Floryn. "Uy! Gising!"paulit ulit niyang sabi. Inaantok man ay walang nagawa si Clark kundi magmulat ng mata. Nasilaw siya sa sikat ng araw kaya bahagyang nag adjust ng kaunti. Nang hindi pa rin siya makamulat ng ayos ay hinila niya si Floryn para iharang ito sa sikat ng ar

