Malakas na napabunga ng hangin si Nurse Lucy.. “Haaah! Pakiramdam ko puputok na ang puso ko sa sobrang kaba kanina. Nangangatog na ang tuhod ko.” sabi nito “Hindi pa tayo tapos kaya huwag na muna tayo magcelebrate. Kailangan natin madispose ang mga gorilyang yan bago pa nila malaman kung nasaan si Ela.” sagot ni Heather at nag- umpisa ng paandarin ang sasakyan. “May masukal na bahaging daan patungo doon sa bahay. Walang masyadong dumadaan doon dahil bako ang daan at kakaunti ang tao.” suhesyon ng nurse “Ituro mo ang daan, Miss.” ni Heather Mabilis na pinatakbo ni Heather ang sasakyan patungo sa itinurong lugar ng Nurse. Iniliko ni Heather sa kasukalan. “Baba! Bilis” utos ni Heather Mabilis na bumaba ang tatlo sa kotse at tumakbo patungo sa masukal na parte ng lugar. “Bantayan mo

