Parang nagbalik ang lahat ng kanyang masasamang alaala ng mga sandaling iyon. Maging ang unang kamatayan niya na kung saan ay si Rheyfuss ang pumatay sa kanya. Ang mas nakakatawa pa ay ang lugar kung saan naroroon sila ngayon ay ang lugar kung saan siya namatay nung una. Mahal na mahal kita, Ela Usal ng kanyang puso habang hinihintay na bawian siya ng buhay. Ilang malalakas na tunog ng baril ang kanyang narinig. Ilang sandali pa ay iminulat niya ang kanyang mata. Tiningnan niya ang kanyang katawan at ng masigurong maayos ang kanyang sarili ay saka tiningnan ng tingin ang direksyon kung saan naroroon kanina si Reagan. “Red, ayos ka lang?” tawag sa kanya ni Sadiki habang chinicheck nito ang kalagayan niya. Bago lumabas ng kotse si Red ay inabot nito ang gintong coin na nasa l

