Chapter 4 - Pagtakas

1452 Words
ELA’s PoV Halos wala na rin ako sa aking katinuan ng dahil sa aking naranasan. Himbing na nakatulog ang kanyang ate at asawa habang hubo’t hubad na magkayakap. Alam kong lango rin ang mga ito dahil sa alak na iniinom ng mga ito habang nagsisiping kanina. Madilim na at ang tanging liwanag galing sa buwan ang nagsisilbing ilaw sa loob ng utas butas at sira sirang bahay na iyon. Dahan dahan akong umupo at maingat na tinanggal ang taling nakatali sa poste. Nakaharap na ako doon kaya kayang kaya ko na ito tanggalin. Nang matanggal ang tali sa poste ay hinawakan ko na lamang ito at patingkayad na naglakad. Kailangan ko silang malagpasan dahil nasa tabi nila ang pinto na bahagyang nakabukas dahil sa sira na rin ito. Maingat ang bawat paghakbang para makalabas hanggang sa tuluyan na akong makaalis sa lugar na iyon. Patakbo akong lumayo sa lugar na iyon, kahit madilim ang daan at masakit ang aking katawan maging ang aking kaselanan ay pinilit kong magtuloy sa paglalakad habang hawak nakatali pa rin ang aking mga kamay at hawak ang tali na natanggal ko sa poste. Nang sa tingin ko ay nakalayo na ako ay naupo ako sa isang malaking bato at pilit na tinanggal ang tali sa aking kamay. Mas mahigpit ang pagkakatali nito kaya nahirapan akong matanggal. Makalipas lang ng ilang beses na pagsusubok ay matagumpay kong natanggal ang pagkakatali. “Babe! Nakita mo na?” rinig kong sabi ng isang boses na alam kong galing kay ate kaya mabilis akong tumakbong muli “Hindi pa,Babe wala rito” sagot ng lalaki Takot na takot ako na baka maabutan nila ako kaya walang lingon likod na tumakbo ako hanggang sa makarating ako sa pinakadulo. Isang death-end.. “Little Sis!! Where are you?” papalapit na boses ang aking naririnig Taranta akong naghahanap kung saan pwede magtago tiningnan ko ang nasa likod ko at mas nagimbal ako dahil sa taas ng aking kinalalagyan. Isa pala itong bangin na may halos dalawampu mahigit na talampakan ang taas. Tiyak na hindi na ako mahahanap kung sakaling mahulog ako sa lugar na iyon “Andyan ka lang pala,Little sis. Kanina ka pa namin hinahanap.” nakangiting sabi ni Cas na nakapagbihis na. “Bakit mo ba ako ginaganito ate, ano bang atraso ko sa’yo? Ikaw na ang paborito nina Papa at mama? Sikat ka, ano pa ba ang kulang? Ha. Bakit galit na galit ka sa akin?” tanong ko rito “Tinatanong mo kung ano ang dahilan ko? Ang existence mo mismo, Ela. Yun ang dahilan! Simula ng dumating ka lagi na lang ako kinukumpara sa iyo ni mama at papa. Hindi ba paborita ka nina Abuela? Dahil namana mo ang ganda niya na lahing kastila. Kaya simula ng bata ako, pinilit ko ang sarili ko na lampasan at higitan ang kakayahan ko pero ano? Kahit na sikat na ako, walang ibang bukambibig ang ibang tao na Mas maganda si Aphelandra, ay mas mahinhin, ang ganda ng kutis niya, Mas maganda ang kapatid mo, ay mukhang mas matalino P**t@ng**n@ puro na lang Aphelandra! Nakakarindi na. Kahit saan ako magpunta, lagi akong ikinokumpara sa iyo! “ Gigil na sigaw nito habang inilalabas ang galit nito sa akin. “Ate, sa ating dalawa alam natin parehas na ikaw ang mas talentado. Ikaw ang mas pinapaboran nina Mama at Papa. Hindi mo kailangan mainggit sa akin.” Mahinahon kong sabi pero sa loob ko ay kinakabahan at natatakot na ako. “Huwag mo akong kaawaan, Ela! T@ng**@ kang, H@**p ka! Ako pinapaboran nina mama at papa? Amb 0 b 0 mo rin talaga eh no. Sa tingin mo, bakit hindi ka pinapalabas nina mama at papa? Bakit ingat na ingat sila sa iyo ha? Yung tipong konting galaw mo lang nagagalit na sila at ang gusto nila ay sa bahay ka lang at magbuhay prinsesa. Eh wala ka naman sakit eh, sadyang masyado ka lang nila iningatan na ultimo magalusan ka lang ng kaunti galit na galit na sila. Kaya ka naging lampa! Ginawa ka nilang kasangkapan! Isang hidden gem na naipagmamayabang sa maraming tao! Kaya ka naipakasal kay Jameson na anak ng isa sa pinakamayaman sa lungsod natin. Kaya kinasusuklaman kita! Inagaw mo lahat ng gusto ko!! Ang pagmamahal ni Abuela, sina mama at papa, ang tingin ng mga tao na kahit wala ka pang naaachieve ay pinupuri ka na at ang makapangasawa ng isang anak ng pinakamayaman!” “Ate, baka pwede naman natin pag-usapan to, kapatid mo pa rin ako.” Pakiusap ko rito “Babe, I saw her!” tawag nito sa aking asawa at mula sa di kalayuan ay lumapit ito sa kanila. Nakorner na ako at wala ng takas Mukhang hindi sa akin aayon ang kapalaran. Mapait ang ngiti na namutawi sa aking labi “God, Ela Pinagod mo pa kami, Andito kalang pala.” Hingal na sabi ni Jameson. “Maganda ang lugar na ito,Babe.” Nakakalokong sabi ni Cas “Walang tao, tahimik, kahit sumigaw pa siya ay walang makakarinig at once na mahulog siya sa bangin na iyan tiyak ay hindi na siya makikita at pagppyestahan na siya ng mga bayawak. Kaya Babe, tuluyan na natin bago pa siya makapagsumbong, masisira ang imahe ng kompanya niyo maging ang career ko na buong buhay ang iginugol ko para marating koi to.“ Panghihkayat nito sa asawa ko. "Parang awa mo na Chris. Wala akong balak ipaalam sa iba ang tungkol sa Inyo ni Ate. Lalayo ako, hindi na ako magpapakita sa Inyo at kahit kina mama. Please parang awa mo na" pagmamakaawa Kong Sabi Kay Chris. He is my husband. Pagtungtong ko palang ng 18yrs old ay naengage kami kaagad at nakalipas lang ng Isang buwan ay ikinasal kami. Masaya ang unang taon ng aming pamumuhay bilang mag-aasawa ngunit lumipas lang ang tatlong taon ay nagbago ito. Lumabas ang kanyang tunay na pag-uugali. Babaero ito na na tipong nagdadala na ito ng babae sa bahay at naging mas mainitin ang ulo. "Pasensya na Ela, walang kasiguraduhan na hindi ka magsusumbong kung sakaling hayaan ka naming mabuhay. Magkakaroon pa ako ng chance na mapangasawa ang ate mo kung sakaling mawala ka sa landas namin. Huwag ka mag alala sa parents mo dahil gagawin nating aksidente ang pagkawala mo." Pagkasabi ay itinulak Niya ako ng malakas sa bangin na nasa likuran ko. Habang Nasa ere at hinihintay ang aking pagbagsak sa batuhan ay sumabay sa pagbagsak ang aking mga luha. Hinawakan ko ang pendant clock na NASA aking bulsa. Ito ang pendant clock na ibinigay sa akin ni Abuela ng ako ay 16 years old palang.. . . . . Pakiusap, bigyan niyo po ako ng Isa pang pagkakataon para mabago ang future ko. Gusto kong gawin ang mga bagay na gusto ko na walang pinagsisisihan... Parang isang madilim na portal ang humigop sa akin… Malalakas na katok mula sa pinto ang nagpagising sa akin Bigla kong naimulat ang aking mga mata Napatingin ako sa kisame Nananaginip ba ako? Patay na ako hindi ba? Tanong ko sa sarili Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga at naupo sa aking malambot na kama Maliwanag sa aking isipan na itinulak ako ng aking asawa sa isang bangin kasama nito ang aking ate. Matapos nilang b@buyin ang aking pagkatao. Hinawakan ko ang aking dibdib dahil dama ko pa rin ang malakas na t***k ng aking puso dahil sa aking naranasan, “Aphelandra! Aphelandra! Gumising ka na at maggagayak pa tayo papuntang simbahan” rinig kong boses mula sa pinto Natigilan ako ng marinig ko ang boses ng aking abuela. “Abuela?” anas ko Buhay si Abuela? Agad akong bumaba sa kama at binuksan ang pinto ng aking kwarto “Abuela!” pagbukas palang ay yinakap ko kaagad ng mahigpit ang aking abuela “Ano nangyayari sa iyong bata ka at napakamalambing mo naman umagang- umaga” nakangiting ganting yakap ng matanda “Namiss po kta,Abuela” sabi ko na maluha luha “Namiss? Magkasama pa tayo kagabi,Apo. Hay naku, ikaw na bata ka. Sige na at maggayak ka na, magsisimba tayo dahil unang linggo ng buwan ngayon, kailangan mong magsimba upang mabasbasan ka.” Sabi ng kanyang abuela at iginaya na ako sa loob ng aking kwarto. Teka, Unang lingo ng buwan? March ang buwan ng kaarawan ko at ditto sa probinsya ay may kaugalian na kailangan magsimba at mabasbasan sa unang linggo ng buwan ng iyong kaarawan upang mabless ka ng Maykapal Alam ko ang pangyayaring ito! “Abuela, Anong taon na po ba ngayon?” tanong ko. Kung tama ang aking kutob “March 4, 2040 apo. Maggayak ka na ha at baka mahuli pa tayo sa misa.” Ani ng matanda bago ako iwan WHAAATTT!!!! Bumalik ako sa nakaraan!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD