Chapter 5 - Bagong simula

1563 Words
Bumalik ako sa nakaraan!!! Hindi makapaniwalang sabi ko sa aking sarili Tumakbo ako sa loob ng aking kwarto at tiningnan ang aking sarili sa full- length standing mirror Sinipat ko ang aking sarili. Bumata ako at sa pagkakatanda ko ay mags sixteenth birthday palang ako sa taong ito. Nang mga panahon na ito ay nakatira ako sa aking abuela sa probinsya ng Romblon bilang pag-iingat sa akin nina Mama at Papa dahil sa isa akong mahina at lampa gaya ng laging sinasabi ni Ate Cassandra. Kinuha din ako ni Abuela dahil sa isang insidente. Isang kilalang tao sa lugar na iyon ang aming pamilya dahil dating Gobernador ang aking yumaong abuelo at kami ang may- ari ng malaking bahagi ng lupa sa bayan na iyon sa Romblon. Hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nakikita. Para akong nagising sa isang masamang panaginip pero alam ko sa sarili ko na namatay ako matapos akong itulak sa bangin. Binigyan ako ng Diyos ng isa pang pagkakataon na mabuhay muli at baguhin ang aking kapalaran. Napangiti ako sa isiping iyon. This time, itatama ko na ang lahat at gagawin ang mga bagay na nais kong gawin ng walang halong pagsisisi.. “Aphelandra! Nakabihis ka na ba? Tara na at mag-uumpisa na ang misa” sigaw ng kanyang abuela “Sandali lang po, pababa na!” sigaw ko. Mabilis akong naligo at nagbihis. Ang dating laging nakatirintas kong buhok na may habang halos umabot sa aking baywang ay hinayaang kong ilugay. Simpleng dress lang ang aking sinuot at pinarisan ko ng doll shoes.. Habang nasa hagdan ay nakita ko si Abuela na inip na inip na nakaupo sa sala. This time, gagawin kong exciting at adventurous ang buhay ko Nakangiting bulong ko habang pababa ng hagdan “Katagal mo naman,Aphelandra” reklamo nito “Pasensya na po, Tara na po” yaya ko rito at hinawakan ang kamay nito Kung dati sa una kong buhay ay ayaw na ayaw kong tinatawag ang aking buong pangalan, ngayon ay para iyong musika sa aking pandinig. Malapad ang aking pagkakangiti habang papuntang simbahan. Malapit lang ang simbahan ang malaking bahay ni Abuela dahil kami ay nasa kabisera kaya nilakad na lang namin. Bago makarating ay dadaanan muna namin ang pamilihang bayan. “Magandang umaga,Doña Alondra. Magandang umaga rin Binibining Ela.” nakangiting bati ng isang tindero ng gulay na aming nadaanan. “Magandang araw din sa iyo, Tinong. Ihiwalayan mo ako ng magaganda at bago mong gulay ha,” sabi ni abuela “Wala pong problema Doña Alondra, kayo pa.” sabi ng tindero “Magandang umaga po, Mang Tinong!” bati ko rito at ngumiti na ikinagulat nito Napatingin ito sa aking abuela at nginitian din ako. Lahat halos ng bumati sa amin ni abuela ay binalikan ko rin ng pagbati at ngiti at lahat ng mga ito ay pawang may pagtataka sa kanilang mga mukha. Pumasok kami sa loob ng simbahan at taimtim akong nakinig sa misa. Lord, labis akong nagpapasalamat dahil binigyan Niyo ako ng isa pang panibagong buhay. Itatama at gagawin ko ang lahat para mabago ang aking kapalaran. Pahahalagahan ko ang buhay na ibinigay Niyo. taimtim akong nagdasal at nagpasalamat Nang matapos ang misa ay sabay rin kaming umuwi ni Abuela dala ang ilan sa mga bigay ng mga tagabayan. Mabait at matulungin kasi si Abuela kaya kahit na matagal ng yumao ang aking Abuelo at wala na rin sa serbisyo publiko ay masasabi kong minahal ng tao ang aming pamilya dahil sa kanila. “ Aphelandra, hija. Ano bang nakain mo at parang naging palakaibigan ka?” tanong sa akin ni Abuela ng dumating kami sa bahay. “ Wala naman po, gusto ko lang po magkaroon ng kaibigan. “ sabi ko habang nakaupo sa sala “ Ewan ko sa’yong bata ka. Dati naman ay napakamahiyain mo, kahapon ay halos hindi ka lumabas ng kwarto mo ng dumating ang mga kaibigan ng papa mo. Mukhang nagbago ang ihip ng hangin. Oh, siya. Umakyat ka na at magpahinga, ipapatawag na lang kita mamaya kapag handa na ang pananghalian.” sabi ng aking abuela. Bago umakyat muli kong niyakap ang aking abuela. Nakaupo ako sa aking study table at iniisip ang aking magiging plano. Kailangan kong maging malakas. Hindi pwedeng magaya sa dati ang katawan ko na kaunting kilos ay madaling masaktan. Kailangan ko rin isulat ang mga importanteng bagay na mangyayari sa future. Sabi ko Kinuha ko ang aking diary notebook na nasa drawer ng aking study table at nag-umpisang magsulat. I died on September 6, 2046. Right after the date Cassandra's art display will be open to the public. Two days after dumating ni Jameson galling Italy. I was reincarnated on March 4, 2040. Just three weeks before my sixteenth birthday. “Hilig sabihin, may anim na taon pa bago ang nakatakda kong kamatayan.” Parang sira na kinakausap ko ang aking sarili. “Teka nga, From September kapag binilang ng pabaliktad hanggang March ay 6 months ang date kung kelan ako namatay ay 6 at ang taon pabalik ay 6 din…Sa madaling sabi from September 6,2046 ay ibinalik ako 6 years ago. 6-6-6!” malakas kong bulalas Anong kinalaman ng number six? Kunot noong tanong ko sa sarili pero anu’t ano pa man ang kahulugan nun ay malalaman ko rin ang importante ngayon ay maitala ko lahat ng mga mahahalagang bagay na mangyayari sa kasalukuyan. Nasa malalim akong pag-iisip ng tawagin ako ni Abuela “Aphelandra, baba ka na at kakain na tayo.” Itinago ko ang aking diary sa secret compartment ng aking closet at mabilis na bumaba patungong dining area. “ Nakapili ka na ba ng damit na gagamitin mo para sa birthday mo?” tanong ni Abuela “Kayo na po pumili, Abuela.” Sabi ko pagkatapos ay maganang sumubo ng gulay na alam kong ang lola ko ang nagluto. Dahil kasi sa pagiging lampa ko ay madalas itong magluto ng gulay para daw tumibay ang aking buto. Matagal ko na itong namiss. “Abuela, pwede po magtanong?” napatigil sa pagkain ang magtanda “Ano yun?” “ Ano po bang dahilan nina Mama at Papa kung bakit ayaw nila akong masyadong naglalabas at makipagsalamuha sa ibang tao? May sakit po ba ako like asthma, heart problem or kahit anong sakit ?” tanong ko. Naalala ko na lagi lang akong nasa bahay. Bawal akong lumabas o maglaro sa initan. Hindi rin ako makatakbo at makapaglaro sa ibang bata kahit na sa mga anak ng aming kasambahay dahil pinapagalitan sila nina Mama kung kaya lumaki akong mahina ang aking pangangatawan. In short, lampa “Wala naman, Apo. Masyado ka lang iningatan ng mga magulang mo na parang minsan sobrang OA na. Kaya nga kinuha kita dito sa akin at para kahit papaano ay maging malaya ka at magawa ang mga bagay na gusto mo. ‘ sabi nito “Ganun po ba? Ibig sabihin po pwede akong gumawa ng mga bagay na hindi ko nagagawa kapag nasa mansion?” tanong ko “ Oo naman, pero pakiusap lang huwag naman puro kalokohan! At talagang ako ang manggugulpi sa’yo.” Banta ni abuela “Parang totoo, Abuela ah.” Sarkastikong sabi ko at saka tinawanan si Abuela dahil ni isang beses ay hindi niya ako nasigawan o napalo man lang kahit na gaano pa ako kakulit nun. “Kumain na nga lang tayo at niloloko mo na naman ako.’ Ani Abuela Natutuwa ang matanda na unti- unting nagbabago ang apo. Napakamahiyain kasi nito at laging napapagalitan ng mga magulang dahil sa pagiging lampa nito na ang mga magulang rin naman ng apo ang may kasalanan kung bakit siya naging mahina. Bukod sa pagiging lampa ng apo ay may puso itong mammon na kahit na madaling maawa at mapagpatawad kahit na ilang beses na itong paluin, pagalitan o awayin ng kapatid nito. “Abuela, pwede ba akong pumunta sa manggahan?” tanong ko ng matapos sa pagkain “Pwede naman kaya lang mag-iingat ka ha, huwag ka magpapagabi at isama mo si Ivy anak ni Tinay para may kasama ka. “ sabi ni Lola “Salamat po, Abuela” sabi ko at naglakad patungong kusina para hanapin si Aling Tinay. Ipinaalam ko ang anak nito at magkasama kaming nagpunta sa manggahan hindi kalayuan sa bahay ni Abuela kahit pa tirik ang araw. “Ms. Ela, napakainit naman. Hindi ba pwedeng mamayang hapon na lang.” sabi ni Ivy “Ivy,Ela na lang itawag mo sa akin. Tska mahalaga ang bawat araw kaya dapat sulitin kaya samahan mo na ako.” Yaya ko rito “Ano bang gagawin natin sa manggahan?” tanong ni Ivy “Tuturuan mo ko umakyat ng puno.” Nakangiting sabi ko “Ms. Ela naku, kapag nalaman nina Don Felipe at Doña Alejandra na umakyat kayo sa puno baka palayasin kami sa bahay ninyo lalo na at nakabestida ka pa naman baka sumabit ang damit niyo at mahulog kayo.” Takot na takot na sabi ni Ivy “Huwag ka mag-alala, may shorts ako.” Sabi ko saka itinaas ang suot na bestida na ikinagulat ni Ivy “Ibaba mo yan Ms. Ela, dalaga ka na baka may makakitang ibang tao.” Naglinga linga pa si Ivy “Hahaha, nakakatawa ka naman. Ivy. Relax ka lang. Nagpaalam ako kay abuela sabi niya pwede ko gawin lahat ng bagay na gusto kong gawin. Kaya tara na!” at nagpatiuna patungo sa Manggahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD