BEBENG’s POV May isang linggo na simula nang ihatid ko si Shao sa labas ng kampo. Matagal-tagal pa ang balik niya. Nandito ako ngayon sa ospital kung saan isasagawa ang operasyon ni Mama. May kidney donor na at match silang dalawa. Hindi na ako kailangan mag-donate. Ito naman ang nais ng aking asawa. Habang papalabas ako ng ospital ay abala ako sa pagbabasa ng resulta ng mga tests na ginawa kay Mama. Hindi ko inaasahan na may mabubunggo ako. Natumba ito sa lakas ng pagkakabunggo ko sa kaniya. “Sorry po,” hingi kong paumanhin. Lumapit agad ako para matulungan siya sa pagtayo. Babae ang aking nabunggo at mukhang hindi naman siya matanda. Nakakatakot kasi kung may edad ito at natumba pa. “Pasensiya na po, hindi po ako nakatingin sa nilalakaran ko po,” sambit ko pa sa kaniya. “It’s okay

