BEBENG’s POV Gumising ako nang maaga. Tulog pa si Shao. Bukod sa nakainom siya kagabi, walang humpay ang ginawa niyang pagpapaligaya sa akin. Pagod din ang katawan ko, pero kailangan kong bumangon para maghanda ng aming agahan. Maaga rin siyang aalis ngayon. Pinagmasdan ko pa ang aking mahal habang payapang natutulog. Makikita ang pagbaba-taas ng kaniyang dibdib. Kinumutan ko lang siya dahil wala siyang suot na saplot sa katawan. Mami-miss ko ito nang ilang buwan. Wala akong makakatabi sa pagtulog at walang mangungulit sa akin. Sabi niya mabilis lang ang panahon. Pero hindi sa taong nangungulila. Mahirap para sa akin na nasanay na nasa tabi ko lang siya. Sa panahon na wala rito ang asawa ko, si Mama naman ang pagtutuunan ko ng pansin habang hinihintay namin ang kidney donor. Maaalag

