SHAO’s POV Babalik na ako sa kampo, para ituloy ang ilang buwan ko at pagkatapos niyon ay tuluyan na akong makakapagtapos. Hindi na kami magkakalayo ng mahal ko. Nasa akin naman kung magtatrabaho ako o tutulad ako sa Dada ko na magtatrabaho ng palihim sa ahensya. Hindi batid ng lahat na nagtatrabaho ang aking Dada sa gobyerno. Hindi siya totoong tumigil sa paninilbihan. Hindi na nga lang siya nagsusuot ng uniporme. Pero ang puso at isipan niya ay patuloy pa rin sa pagsisilbi. Sayang ang galing ng aking Dada, kung mag-stop siya. Magaling siya sa mga pagbuo ng mga makabagong gamit, o bagay na magagamit para makuhaan ng pasimple ang kalaban ng hindi niya nalalaman. Tahimik, eksakto at epektibong mga kagamitan na magagamit sa labanan ngunit walang ingay kung sino ang taong nasa likod nito.

