BEBENG’S POV Pabalik na kami ng Maynila. Habang nakatanaw ako sa bintana ng sasakyan, unti-unting naglalaho ang tanawin ng dagat na naging saksi sa mga araw na sinasambit namin ang pagmamahal namin ni Shao sa isa’t isa. Masasabi kong tama ang naging desisyon naming lumipat. Walang nakakilala sa akin. Walang mga matang mapanghusga. Walang multo ng nakaraan. Doon, si Shao at ako lang ang magkasama, malaya kaming gawin ang mga nais namin. Enjoy na enjoy kaming dalawa. Puro lambingan, tawanan, harutan, at bembangan kapag nais namin. Kaya lang madalas ay gusto lagi ng mahal ko. Kung nagawa namin sa loob ng mall noong hindi pa kami mag-asawa, sa resort, nagawa namin ang magniig sa dagat. Ang dagat ang naging lihim naming saksi. Kakaibang karanasan iyon. May halong kaba at kilig, lalo na

