SHAO’s POV Inabot na kami ng lunch dito sa Mall. “Mahal, saan mo gustong kumain?” tanong ko kay Bebeng. Dinala muna namin sa sasakyan ang mga pinamili naming dalawa. Tiningnan pa ako nito, bago siya sumagot. “Lugar kung saan kakain ng totoong pagkain, iyon ang tinutukoy mo, ‘di ba? Baka mamaya kalokohan na naman ang sasabihin mo sa akin.” Sagot nito sa akin. “May nakalimutan ka sa iyong pangungusap, Mahal.” Pagpapaalala ko pa sa kaniya. “Restaurant naman siguro ang tinutukoy mo, Mahal. Ayan, hindi ko na nakalimutan.” Sarkastikang turan nito sa akin. Tumawa na ako. “Oo, kainan na talaga. Restaurant, mahal ko.” “Ikaw na lang ang pumili, Mahal. Basta huwag lang sa masyadong expensive.” Suhestiyon nito. “Okay, Mahal.” Iyon lang ang sagot ko sa kaniya. Gusto ni Bebeng ay umuwi na ka

