WARNING ⚠️ MATURED CONTENT! SHAO’s POV Ang saya talaga kapag wala ka nang anumang itinatago sa mahal mo. Nakakatawa kaming dalawa sa mga pinaggagawa kong paglalambing sa kaniya. Mga palusot para simpleng maka-score pa rin kahit nasa labas kaming dalawa. Hindi ko siya binibitawan kahit nang makarating kami sa hotel. Iba ang pakiramdam ko kapag nahahawakan ko siya. Alam kong magkasama kaming dalawa at totoo ang lahat. Kahit kausap namin ang nasa reception, nakayapos sa kaniya ang isa kong braso. Hapit-hapit ko ang baywang niya. Hindi ko pinapakawalan. Nang makarating kami sa aming kwarto, pinauna ko na ang staff na ipasok muna ang mga gamit namin. Nang makalabas siya sa aming kuwarto, mabilis kong isinara ang pinto. Ngayon ko pa lang binitawan ang aking mahal. Nasa isang silid na la

