WARNING!!! SPG PO ITO. PWEDE PO NINYO I-SKIP . SHAO’s POV Excited na ako na masolo ang aking mahal. Hindi ako nakahirit kagabi dahil alam kong napagod siya sa aming celebration. Mabilis lang sa huwes, pero sa reception nagtagal. Walang katapusang mga kwentuhan. Kung hindi pa kami nagpaalam sa kanila na may lakad kaming mag-asawa, baka hindi pa kami nakauwi agad. Nauna sina Mama at Ezra. Mahirap kay Mama na magtagal na nakaupo. Ayaw naman niyang magpahinga sa kwarto na intended para sa amin. Kaya ipinahatid ko na sila. Kami ng mahal ko ang ginabi. Bahala na sina Mommy at Daddy, sa mga naiwan na guest. Mga malalapit naman na kaibigan at kamag-anak lang ang invited. Naroroon din ang ilan sa mga kaibigan ko. Last minute ang invitation ko sa kanila. Kaya natutuwa ako at nakahanap sila ng

