BEBENG’s POV Confirmed! Five weeks pregnant ako. “Anak, ingatan mo ang baby mo. Tiyak na matutuwa ang iyong asawa paglabas niya mula sa kampo,” wika ni Mommy Analyn, paglabas namin mula sa clinic ni Doc. “Hindi muna natin sa kaniya ipapaalam, sorpresahin natin siya. Hindi naman yata kayo nagkikita kapag magkausap kayong mag-asawa?” pagkompirma ni Mommy Analyn. “Hindi po, Mommy. Hanggang sa phone number lang po kami nag-uusap at pahirapan din po ang signal sa kanila. Ngayon pa nga lang po at naiisip ko na ang magiging reaction ng aking asawa kapag nalaman po niya ang pagbubuntis ko.” Sanay na akong kausap si Mommy Analyn. Walang pagkailang dahil bata pa lang ako ay nakakausap ko na rin siya. Hindi rin iba ang turing niya sa akin noon kaya naman mas lalo kaming naging close ngayon. Idagd

