BEBENG’s POV Napabalikwas ako nang bangon dahil sa pakiramdam na parang masusuka ako. Agad akong nakarating sa bathroom at deretso sa sink. Nagsuka ako nang nagsuka pero puro laway lang ang lumabas. Marahil dahil umaga na at natunaw na ang mga kinain ko kahapon. Bumabaligtad talaga ang sikmura ko. Ngayon ko lang naranasan ang ganitong pakiramdam. Kakaiba. Grabe ang pawis ko. At nanlalambot na ako. Pati pagsigaw ay hindi ko magawa. Nakasubsob ako sa lababo rito sa loob ng bathroom. Nanghihina at walang kasama. Anong nangyayari sa akin? Nagtagal pa ako at nag-ipon nang sapat na lakas para makabalik sa kama. Nahiga ako, dahil nahihilo ako. Wala na akong ibang choice Kundi ang tawagan si Ezra, para ipaalam ang sitwasyon ko rito sa itaas. Hindi naman sila umaakyat dito. Ako nama

