3

1006 Words
VIENNE’s POV Naalimpungatan ako at pagtingin ko sa orasan ay mag-aalas dos na ng umaga. Napa-upo ako at nalaglag ang kumot na nakatakip kanina sa aking katawan. Lumitaw ang hubad kong dibdib at naramdaman ko ang pagkirot ng ibabang bahagi ng aking katawan. May lalaking nakaupo sa may upuan. Tulog na tulog si Shaolyn. Naalala ko ang nangyari sa aming dalawa ilang oras na ang nakararaan. Kailangan kong makaalis agad sa lugar na ito bago pa siya magising. Maingat ang bawat kilos ko. Isinuot ko ang damit ko at kinuha ko ang sobre na naglalaman ng per ana galing din sa kanya. Pwede ko na itong gamitin dahil masasabi ko na pinaghirapan ko ang perang ito. Pinagmasdan ko pa si Shaolyn at maririnig ang paghilik nito – tanda na pagod ito. Napatingin ako sa mga kamay niya at may hinahanap ako na hindi ko naman nakita. Wala siyang suot na singsing. Pati pagbubukas ko ng pinto ay maingat na maingat. Nagmadali akong nagtungo sa dressing room para makapagpalit ako ng damit. Delikado na lumabas ako na ganito ang suot ko at sa ganito pang oras. “Pauwi ka na Vienne?” tanong pa sa akin ng isang kasamahan ko rito. Maraming kumakausap sa akin pero hindi ko naman sila kakilala. Nahihiya rin akong makipag-usap sa kanila. “Oo, naghihintay kasi ang Mama ko. Mauna na ako baka nag-aalala na siya sa akin.” Nakabihis na ako ng damit kong suot kanina pagpasok. “Sige, ingat ka.” Kumaway pa siya sa akin. “Salamat,” ganting sagot ko naman sa kanya. Mabuti at nakasakay na ako. Hindi naman siguro nagising si Shaolyn. Wala rin naman sumusunod sa akin. Hindi niya pwedeng malaman kung saan ako nakatira. Dati si Mama lang ang iniisip ko dahil kinalimutan ko na si Shaolyn. Ayaw ko ng maalala siya lalo na ang pangako niya sa akin. Pero hindi ko rin maintindihan itong nararamdaman ko ngayon. Sa kakaisip ko ay lumampas ako sa dapat binabaan ko. “Manong, para na po. Pakiabot po nitong bayad ko.” Sakto naman ang pamasahe ko kaya diretso baba na ako. Nilakad ko na lang papunta sa may eskinita. Tahimik ang paligid at wala naman akong nakikitang nakakalat na mga tambay. May mga tindahan pa rin na bukas sa ganitong oras. Nakalimutan ko na rin na pasalubungan si Mama ng makakain. Sana ay mahimbing na siyang natutulog para wala na siyang tanong-tanong pa sa akin. Tulog na nga si Mama. Dumiretso ako sa banyo at naglinis muna ako ng aking katawan. May dugo pa ang aking panty pero kaunti lang naman. Masakit pa rin ngayon ang aking pagkababa e at alam ko ang dahilan kahit first time kong naranasan iyon. Habang sinasabon ko ang aking katawan ay naaalala ko ang bawat haplos ni Shaolyn sa aking katawan. Parang ang sarap na protektahan ako ng mga kamay na iyon. Mayroon na akong alaala sa kanya. Hindi man kami ang nagkatuluyan sa huli ay naibigay ko pa rin sa kanya ang aking katawan. Umuulit sa aking isipan ang kanyang halik. Ang mga labi niyang kay lambot. Ang sarap pala niyang humalik. Siguro ay sarap na sarap ang kanyang girlfriend, fiancée o pwedeng asawa na. Nakakalungkot na hindi ako ang unang nakaranas niyon. Pero sa akin siya ang una kong halik, unang humawak sa katawan ko, at ang taong unang umangkin sa akin. Kahit ang dibdib ko ay nararamdaman ang kanyang mainit na bibig na nilaro ang mga ut0ng ko at sinipsip ang aking dede. Parang naririnig ko pa ang bawat pagsipsip na ginagawa niya sa akin kanina. Hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto niya sa aking katawan. Parang nangungulila agad sa kanyang haplos at halik. “Bebeng, hindi pwede. Hanggang sa nakaw na sandali mo lang siya makakasama. Hindi na siya magiging sa iyo. Pag-aari na siya ng iba.” Kinakausap ko ang aking sarili. “Wala naman siyang singsing, ‘di ba?” sumagot din ang sarili ko dahil iyon ang huli kong tiningnan bago ako lumabas ng kwarto. “Paano kung hinubad lang niya para hindi ko makita?” “Bakit naman niya itatago sa akin?” “Ako ba talaga ang sadya niya sa club?” Nagtatalo ang isipan ko sa mga tanong na hindi ko naman talaga masasagot. Tanging si Shaolyn lang ang may alam. “Anak, kanina ka pa yata d’yan sa loob. Anong oras na? Magpahinga ka na.” natigil ang pagmumuni-muni ko dahil sa pagtawag ni Mama sa akin. Nagbanlaw na ako at baka pati si Mama ay mapuyat sa kakahintay sa akin. Masyadong maalalahanin si Mama. Kahit may sakit siya ay lagi pa rin ako ang iniisip niya. “Matulog ka na po, Ma. Magbibihis na lang po ako at mahihiga na rin po ako. Antok na antok na nga po ako.” Pagsisinungalin ko sa kanya. Malabong makatulog ako ngayong madaling araw. Nakatulog na ako kanina at dahil sa nangyari at imposibleng matahimik ang aking isipan. Malaki ang perang ibinayad niya sa akin. Siguro ay hindi na iyon babalik bukas dahil nakuha na naman niya ako. Mandidiri na siya sa akin dahil ibinenta ko na ang katawan ko. Maswerte pa siya dahil siya ang una ko. Nahiga na ako at pumikt na ako pero ang mukha ni Shaolyn ang nakikita ko. Malapit na malapit sa aking mukha at tintingnan pa niya ang mga labi ko. Ayaw talagang tumigil ang pag-replay ng mga ginawa namin kanina. Ang kanyang pagkalala ki sa loob ng aking hiyas ay may kakaibang hatid na sarap. Masakit siya pero may kakaibang hatid sa aking sistema na kaysarap. Buhay na buhay ang aking kalamnan. Nakaino mako kanina pero alam ko lahat ng ginawa namin at kahit ang mga salitang binitawan ko ay alam ko. Hindi ko lang kayang kontrolin ang aking sarili na huwag sabihin ang mga bagay na iyon. Pero okay pa rin dahil sa dami ng parukyano sa club ay sa lalaking minsan kong pinangarap pa ang napagbigyan ko ng aking katawan sa unang pagkakataon. Babalik pa kaya si Shaolyn sa club?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD