BEBENG’s POV Dito na kami titira ni Mama sa bahay ni Shao. Kasama niya kaming maninirahan dito. Hindi pa malinaw, kung ano ang plano. Tulad ng aming kwento. Kami na ba talaga o hindi pa? Pero inamin na namin ang nararamdaman naming dalawa para sa isa’t isa. Naabutan kami ni Tito Shador kaya hindi natapos ang usapan namin. Ayon sa kaniya, ang sinabi niya kay Mama, nagkakilala kami sa palengke at hindi sa club. Kinuha niya akong assistant niya sa mga trabaho kaya ginagabi ako ng uwi. Wala sa kuwento niya na may kontrata kami, kaya ako nandito. Na ang unang pagtatagpo namin ay sa club ay hindi rin niya nabanggit. Isa lang ang malinaw, walang Shao at Mari. Iyon na pala ang tawag sa kaniya. Talagang marami na siyang ipinagbago pero ang ugali niya ay mayroon pa rin kagaspangan. Mabuti na la

