Agatha Beatrix's POV "Beatrix, what do you want to eat?" tanong sa akin ni Nicolas. Magkatabi kaming nakaupo sa back seat ng kotse habang naka-akbay siya sa balikat ko at nakaulo naman ako sa dibdib niya. Buong byahe na ganito ang pwesto namin simula ng sumakay kami ng kotse niya pauwi sa bahay niya. "Kahit ano na lang," sagot ko sa kanya." Sobrang bilis ng oras dahil malapit na kaming umuwi sa bahay niya na magiging bahay ko na rin. Ang bahay na iniwanan ko noon ay babalikan ko na ngayon. Naroon pa rin kaya sila Ayeza? Siguradong limang taon na si Jaxiel ngayon dahil dalawang taon lang siya ng iwanan ko siya. "Napagod ka ba sa byahe?" malambing na tanong niya sa akin. Ipinatong ko ang kamay ko sa ibabaw ng hita niya at umiling. Wala namang nakakapagod sa byahe dahil nakaupo lang nam

