Agatha Beatrix's POV "I love you, Mrs. Slyvester." Napailing ako sa kawalan dahil pang-ilang beses nang sinasabi sa akin ni Nicolas ang katagang 'yan. Hindi na siya nanawa na sabihin niya sa akin na mahal niya ko. Kung makasiksik pa siya sa dibdib ko parang wala ng bukas. "Malulukot na ang damit mo, Nicolas," sambit ko sa kanya. Suot niya ang itim na itim na polo at itim na slack niya habang nalulukod naman niya ang tube white dress ko na parehas may maikling slit sa magkabila. "Gusto kong kayakap ka," aniya pa. "Gusto mo kong kayakap pero niyaya mo ko sa party ni Carter," natatawang sambit ko. Ngayon ang anniversary party ni Carter at ng asawa niya. Ngayon ko rin malalaman kung sino ba talaga ang asawang tinutukoy niya at ang nag paint ng potrait ko. Nagyaya pa siya tapos gusto

