My Crush My Love
MULA sa may swing tanaw ni Tintin ang mga taong abala sa pag. dedekorasyon,naglalagay ng mga lamesa,bulaklak mga plato baso.Ngayon kasi gaganapin ang kasal ng Kuya Gio at Eyann.Isang kaibigan at dating kamag aral.Ang reception ay sa kanilang hardin gaganapin.Nag pa cater lang ang mga magulang niya.Bigla siyang nagulat ng biglang may tumulak sa kanyang swing kaya gumalaw ito.Ang kanyang pinsan na si marie.”Bakit hindi ka pa nakaayos hinahanap kana ni tita sa loob kasi kailangan mo ng magbihis.”wika nito
Isang tipid na ngiti lang ang isinagot ni Tintin dali dali na siyang pumasok sa loob upang makapag bihis na.Maya maya nama’y may kumatok na sa pinto.
“Hija are you ready?” wika ni estella ang kanyang ina.”Give me five minutes mom!” wika niya sa ina habang nagmamadaling mag lagay ng lipstick at nag spray ng pabango.
Nang nakalabas siya’y kita niya ang kanyang kuya Gio na palakad-lakad. Makisig sa suot na barong Tagalog na yari sa jusi.
“Mom,Dad, tara na at baka mauna pa si Eyann sa simbahan,”wika ni Tintin.
Natawa si Rico ang daddy nila.”Relax,son,baka mapudpod ang sapatos mo kakalakad pabalik balik.”si Rico habang nakatingin kay Gio.
Bakas sa mukha ng kuya niya ang excitement at ang nerbyos sa nalalapit na pag iisang dibdib nila ni Eyann.
Tinapunan naman ni Gio si Tintin ng tingin mula ulo hanggang paa.
“Ang pagiging ina ay bumagay sa iyo bunso lalo kang gumanda.”Pagkatapos ay bumahid ang lungkot sa mukha nito.”Alam mo bang dapat ikaw ang maid of honor namin ni Eyann?”
Muli ang tipid na ngiti nito”Hindi na maibabalik ang nakaraan hindi ba?Ang importante ay tuloy ang kasal ninyo ni Eyann.”Muli ay tipid na naman itong ngumiti.
“Pero kung hindi sana nangyari ang.. .”Hindi nito naituloy ang sasabihin ng biglang pinutol ni Estella ang sasabihin ng kanyang kuya.
“Halina kayo at anong oras na baka si Eyann pa ang mag antay sa kaniyang groom.”wika ng kanilang ina.
“Im sorry bunso,kaya lang isa ako sa dapat sisihin sa nangyari sa iyo.”Niyakap naman ni Tintin ang kanyang kuya.”Wala kang kasalanan kuya masaya ako ngayon at gusto ko rin samantalahin ang pagkakataon na pasalamatan kayong. tatlo.” Nilinga niya ang kanyang mga magulang. “I love you guys.Salamat sa suporta ninyo.” Namumuo na ang luha niya sa mga mata.
Nag alis naman ng bara ng lalamunan si kuya Gio.” Ano ito? kasal o lamay?” wika ni Rico ang kanilang ama.
“Daddy ang morbid mo!” saway ni Estella sa kaniyang asawa na bahagyang dinampian ang sulok ng mga mata.
“Kung mayroon man akong ikalulungkot ay dahil wala dito ang aking apo.”wika ni Estella.”Pagkatapos ng kasal Mom,Dad,magpunta kayo sa tagaytay.Hinahanap na nga kayo ni Cassy lagi.”
“Tiyak iyon.” Si Rico na ang unang naglakad patungo sa pintuan.”O,tara na kayo at baka mahuli na nga tayo niyan.”
Ilang sandali pa ay lulan na kami ng sasakyan patungo sa simbahan.
“Alam mo ba bunso na pinadalhan namin ng invitation ang mga marquez?” si Gio kay Tintin.”Walang problema sakin kuya.Wala naman silang alam di ba?”
“Totoo iyon.Magkaibigan pa rin ang pamilya natin madalas ka nga nilang kamustahin hija.”si Rico na siyang nag da-drive.
“Haggang ngayon bunso,kahit anong isip ang gawin ko,hindi ko malaman kung paano kayo nagkaroon ng pagkakataon?”Si Gio na lumingon sa akin.
Ngumiti si Tintin.”Kuya,noong panahong iyon wala kang nakikita kundi si Eyann.”May bahid na panunukso ang tinig niya.Pagkatapos ay hinawakan sa balikat ang kapatid. “Alam ba ni Eyann?”Umiling si Gio. “Hindi pero sasabihin ko rin.”Hindi pa nga lang ngayon.Tulad din ng paraan ng pagpapaalam ng mommy sa amin ni Daddy.”
Hindi na kumibo ang dalaga.Ilang sandali pa ay nakarating na din sila sa simbahan.
Marami nang taong nag hihintay roon.Masayang sinalubong ni Dianne at Cherry si Tintin.
“Tin!”bulalas ni Dianne.Buong paghangang hinagod ng tingin ang kaibigan.”Sosyal na Sosyal ang dating mo friend!”
“Buti nalang at hindi ka abay.”Si Cherry. “Kung hindi ay baka hindi lang kami ang talbugan mo kundi pati ang bride.”
Natawa si Tintin.”Hindi pa rin kayo nagbabagong dalawa,Napaka saya ko at nakita ko na naman kayo.”
“Totoo ba ang tsismis na hiwalay ka na raw sa asawa mo?” Si Cherry na bahagyang hininaan ang boses.
Hindi ipinahalata ni Tintin ang pagkailang.”Tsismosa..”nakangiting biro niya.
“Paano ba naman,ni hindi mo nga kami inimbitahan sa kasal mo,tapos divorced na kayo agad.Ano ba iyan?Ganyan na ba talaga ngayon ang pag aasawa.”Si Cherry uli.
Nilapitan ni Estella ang tatlo.”O,Dianne,Cherry,sige na at pumasok na kayo sa loob at tanaw ko na ang bridal car.Maghanda na kayo.”
“Magkwentuhan tayo mamaya ha Tin?”pahabol ni Dianne.Tumango na lamang si Tintin.Pagkatapos ay nagpakawala ng mahabang hininga.
Makalipas ang mahabang sandali ay natapos na din ang seremonyas ng kasal.Malalapit na kaibigan,kamag anak ang dumalo sa kasal ng kanyang kuya.Ganoon pa man ay napuno pa rin ang hardin ng mga Chavez.
Ang bagong kasal ay nakatayo sa may daraanan at sinalubong ang mga dumarating na bisita.Naroon din sa di kalayuan ang mga magulang ng mga ikinasal at kinakausap ang mga kaibigan at kakilala.
Kasalukuyan nang nagkakainan ang ibang mga bisita nang may isang Ford Expedition ang pumarada sa dulo ng driveway.Napako roon ang pansin ng mga tao.Unang bumaba ang mag asawang Marquez na agad nagpabangon ng kaba sa dibdib ni Tintin.Hindi pa gaanong nakahahakbang ng malayo ang mga ito ng lumabas ang driver ng sasakyan.
Si Jake!
Nilingon ni Tintin ang mga magulang.Nakita niya ang biglang pagtigas ng mukha ng ama.Ganoon din si Gio na nagtagis ang mga bagang.Kung meron mang nakapuna ay hindi masabi ni Tintin.
“Mom please pagsabihan ninyo si Kuya.Nakikiusap ako..”Tumango si Estella kaswal na naglakad patungo sa bagong-kasal.Isang pisil sa braso ang ginawa nito sa anak at nagpatiunang sumalubong sa bagong dating.
Nilingon ng dalaga ang ama.”Dad,kung paano ninyo pakikiharapan ang mag asawang Marquez ay sana ganoon din kay Jake.Please,Dad,ayokong may mag isip kung bakit may namamagitan animosity sa inyo.”
“Hindi ko maipapangako ang mainit na pag tanggap hija.But i will be very civil,”ani Rico na hinawakan ang nanlalamig na palad ng kanyang anak bago sinundan si Estella.
Nakita niyang tumayo si Eyann bagaman bantulot ang pagsunod ni Gio.
“Hello,Jake.This is a quiet a happy reunion.Wala na kong mahihiling pa.Pareho kayong nandito ni Kristine makalipas ang apat na taon,”narinig niyang sinabi ng hipag.
“My best wishes Eyann.”Kinamayan ng lalaki si Eyann.Pagkatapos ay tumingin kay Gio at yumakap dito.”Congratulations,pare After Six years,kayo pa rin talaga.”
“Iyan ang kaibahan nating dalawa,Jake.Tapat akong nagmamahal at hindi ako naglalaro sa babae,”sagot ni Gio na bagaman bahagyang ngumiti ay binigyang diin ang sinabi.
Hindi maunawaan ni Jake pero nahihimigan nitong may ibang kahulugan ang sinabi ng kababata at kaibigan.Kung sa ibang pagkakataon nasabi iyon ay tatawanan lamang ni Jake.Lagi nang nagbibiro nang ganoon si Gio kung tungkol din lang sa pagpapalit-palit ng girlfriends ng binata.
Samantalang si Tintin ay nilapitan ang magulang ni Jake.
“Kamusta ka na Hija?”Si Gloria Marquez. “Kung hindi pa pala ikinasal itong si Gio ay hindi ka uuwi dito sa Sta.Cruz.Pareho kayo nitong si Jake.Halos apat na taon sa Amerika.At nang mauwi naman dito sa Pilipinas ngayon lang muli tumuntong dito sa lugar natin.”
“Hello Kristine.It has been a long time.”Si Jake sa malamig na tinig at blankong ekspresyon.
“Jake..”Bahagya siyang ngumiti.Pilit tinatago ng ngiti ang kaba ng dibdib at panginginig ng mga tuhod.Bakit mas lalong naging matipuno ang itsura niya kahit apat na taon nang nakararaan.Mula nang umalis siya sa Sta Cruz apat na taon ang nakakataraan,tinaglay niya sa isip na walang ibang lalaking maaaring pumantay rito.Ang tila nangungusap na mata nito,ang ngiting nagpapakilig sa akin,ang pag salubong ng kilay pag nagagalit,lahat ay nakakadagdag sa gwapong mukha nito.At naiinis siya sa sarili dahil hanggang ngayon ay para parin siyang teenager na nakamata dito.
“ Ah eh,ang napangasawa mo,hija talaga bang wala na kayong pag-asang nagkasundo pang muli?” Si Mrs. Marquez.
Ang pinraktis na lungkot ay natural na lumabas sa mukha niya.Sa mga pagkakataong ganito na may nag uusisang mga taga-Sta Cruz sa “asawa” niya ay ganoon din ang ginawa niya. Tulad ngayon.
“Oh,Im sorry hija,”bawi ni Mrs.Marquez. “Alam kong masakit para sa iyo ang nangyari.Nalulungkot din kami,Tin. Napakabait mong bata kaya deserved mo ang tamang lalaki na mapapangasawa.”
“Did you file an annulment Tin? Si Mr.Marquez.
I..I’m working on it.Pero alam naman ninyo ang mga ganitong legal matters,taon ang binibilang,”aniya.
“But surely,hindi mo kailangang maghintay ng annulment para magkaroon uli ng panibagong kakasamahin,di ba Tin?”Si Jake na may bahid na malisya ang tinig.Gulat na napatingin dito si Tin.
“Jake!”Si Mrs.Marquez. “Anong karapatan mong magsalita ng ganyan.Hindi tulad ng ibang babae riyan itong si Tin.Parang hindi mo kilala ang kapatid ng kababata mo.Sadyang may mga lalaki na hindi magkasya sa iisang babae.Tulad mo,halimbawa.Hindi ka tumigil sa pambababae.Nagdarasal na lang ako gabi gabi na sana ay magpakasal ka narin tulad ng kababata mo,at ang pag ukulan mo nalang nang pansin ang ang magiging asawa mo.”wika nito sa anak na tumaas ang isang sulok ng mga labi sa patuyang pagngiti.
“Lalaki ang anak mo,Gloria,at likas na lapitin ng mga babae,”pagtatanggol ni Mr.Marquez.
Bago pa humaba ang usapan ay lumapit na si Estella at niyaya sa mesa ang mag-asawa.Sinamantala iyon ni Tintin at mabilis na lumakad papasok sa kabahayan.Walang tao sa loob dahil nasa labas ang lahat.Dumeretso siya sa bar.Kinuha ang bote ng red wine sa sa cooler at nagsalin sa kopita.Pagkatapos ay pinangalahati ang laman.
Nanunuyo ang lalamunan niya,nanginginig pati ang tuhod.Kailangan kumalma ang kaniyang pakiramdam.Hindi niya inaasahang magkikita sila ni Jake.Hindi niya iniisip na dadaluhan nito ang kasal ni Gio.Hindi siya makapaniwalang may lakas ito ng loob ba makiharap sa kanya pagkatapos ng lahat.
“At kailan ka pa natutong uminom?Iyan ba ang natutunan mo sa napangasawa mo?”Si Jake na sumunod.Hindi itinago ang galit sa tinig.
“Nagbabago ang tao..”aniya na bagaman bahagyang nagulat ay pinanatili ang poise.
Tumuloy rin sa bar ang binata.Kinuha ang bote ng red wine at nagsalin.”Yes.Nag babago ang tao.Napakalaki nang pinagbago mo.You look different.”Sinabayan nito ng inom.
“Hindi ko alam na nagbago ako..”matabang niyang sagot.Nanatiling sa redwine nakatuon ang mga mata.Hindi niya gustong makita ito ng harapan at salubungin ang tingin ng binata.
“Oh,Yes.” Tumango ito.Hinagod siya ng tingin na para bang specimen na sinusuri sa ilalim microscope at wala itong pakialam kung obvious masyado ang ginagawa.
“Ang batang babae na naaalala ko ay hindi na bata,isa na siyang matalino at napakagandang dilag..Higit na maganda.But you’ve lost that innocent look.”
“Matagal na iyon,Jake..Napakagal na panahon na..Marami ng nangyari at nabago.Hindi lamang ang itsura pananamit kundi pati ang isip at gawi.”
“Yes that little girl was lost a long time ago.”Huminga ito nang malalim.At tila nag ulap sandali ang mga mata,ngunit sandali lamang iyon.At muling galit na tumingin uli sa kanya.”Pagkatapos nang gabing iyon Kristine,kanino ka pa pumatol?”
Gulat na napatitig si Tintin rito.”wal..wal..
walang lalaking dumaan sa buhay ko kundi ikaw lang Jake”ang sana’y sasabihin niya. Pero mamamatay muna siya bago niya ipaalam sa lalaki ang bagay na iyon.
“Oh,well hindi ko na kailangang malaman pa iyon,katulad ng hindi mo gustong ipaalam ang tungkol sa atin.Ang galing mong umarte,Napaniwala mo kahit ang mama.”insultong wika nito.
Sinisikap niyang kontrolin ang galit na pilit umaalpas sa kaniyang dibdib.”Wala kang karapatang magsalita sa akin ng ganyan,Jake.Hindi kita inimbita dito,”sinabi niya sa pinakamalamig na tinig.
“Hindi mo kailangang gawin iyon, Love hindi ba?Kusa kaming lalapit sa iyo na tila mga bubuyog sa bulaklak.Bakit ba,eh iba ka sa lahat,kahit sa sarili mong mga kaibigan.Lagi kang mahiyain,mahinhin,tahimik.Ni hindi mo ko nilandi tulad ng mga kaibigan mo na kasing edad mo.Iyon pala ay may gusto ka sakin.Mahusay kang artista Kristine.”
“Lumayas ka Jake!,layas..!!”sigaw niya sa sobrang galit.”Kung tutuusin ay ginamit mo ako,pinagsamantalahan! Bata pa ko pero nasa hustong gulang ka noon.Sinamantala mo ang kabataan ko.!”
“Really?” pang insulto nito.”Parang ikaw pa ang nag initiate nung gabing iyon.”sa pagkakatanda ko.Hindi ka na kuntento sa akin.At ilang taon ka nga noong gabing iyon?”
Namula ang mukha ni Tintin sa galit at pagkapahiya.”Kinasusuklaman kita”baling niya rito sa halos mag apoy na mata.Tumayo siya upang lumabas subalit mabilis siyang nahawakan nito sa braso at marahas na binalik sa pagkakaupo.Ngunit tumama ang kanyang balakang sa stool at napangiwi sa sakit.
Nakakulong siya sa mga braso ni Jake.Kung nagagalit siya’y nagagalit din ito.Nararamdaman niya ang init ng galit nito.At kung bakit ay hindi niya alam at hindi maunawaan.
“Sinabi mo rin sa akin iyan noon sa ilog,di ba?Kinasusuklaman mo ko pero hindi ka napigil noon sa pamimilit sa ilalim ng mga yakap at halik ko habang nag niniig tayo ng ilang oras!”
“Oh!”
“Yes,oh!”pagalit nitong wika.Pagkatapos ay ngumiti ito ng nakaka insulto.”Sarap na sarap kang umuungol halos mabaliw habang inaangkin kita,Love.”At hindi ko kailanman makakalimutang ang gabing iyon.Napakasarap isipin.
Nanlalambot si Tintin na umupo sa stool ng bar,hindi niya kayang salubungin ang galit nito.
“Naalala mo rin ba iyon,Love?”Sinabi nito ang endearment na tila siya kasuklam-suklam.
“Oh,stop calling me that,”hinahapo niyang wika.Nagpapaalala lamang iyon ng mga masasakit na pangyayari.
Marahang tumawa ang binata.”Nakadarama ako ng deja vu.Sinabi mo na rin sa akin iyon noon.More than six years ago,sa ilalim ng puno ng mangga.
Kinagat niya ang ilalim ng kanyang labi hanggang sa pakiramdam niya’y gusto nang dumugo niyon.Ano ang karapatan nitong ipaalala sa akin ang nakaraan ang aking mga katangahan..ang mga panahong tumitindi ang pag ibig na nararamdaman ko rito.At bakit hanggang ngayon ay nasasaktan pa din ako pag naaalala ko ang nakaraan.
“Para ano ang pag uusap na ito,Jake?”wika niya nang makabawi sa emosyon.”Ano ang gusto mo?”May bahid na pakikiusap ang tinig niya.
“Sisingilin ko ang utang mo sa akin,Kristine ang pangako mo sa akin.Lamang,sa pagkakataong ito ay walang obligasyon mula sa akin na panagutan ka.Kung noong araw na halos hindi ka pa humihiwalay sa kabataan ay pinagkaloob mo na sa akin ang iyong sarili,bakit hindi ngayon?”
May banta sa tinig nito na nagpatayo sa mga balahibo ni Tintin.
“A..ano ang sinasabi mo?”
“Isa ka nang biyuda ngayon,Kristine.Mag isa sa buhay.Kung bakit ka iniwan ng asawa mo ay isang misteryo para sa akin gayong ayon sa balita ay wala pa kayong isang taong nagsama.Okay lang sa akin,dahil alam mo kung ano ang mga sinasabi nila sa mga biyudang katulad mo?Mainit daw ang mga ito,at dati ka nang mainit,Love.”
Punong puno ng galit at pagka suklam ang tinig ni Jake.At walang salitang lumabas sa kanyang bibig kung hindi pang iinsulto.
Nanunuyo ang labi niya sa galit at pagkapahiya sa pang iinsulto at takot sa mga sinasabi ng binata.Gusto niyang sampalin ito ngunit hindi siya makagalaw sa kanyang kinauupuan.
“Gusto ko nang lumabas,Jake please..”
Nagmamakaawang tinig niya.May mga luhang nagbabadya ng pumatak.Kung magtatagal pa siya sa harap nito ay alin na lamang sa dalawa ang mangyayari.Babagsak siyang natunaw na kandila o mag wawala siya.”Pumanhik ka sa silid mo,Kristine,ayusin mo ang sarili mo.Namumulta ka,” mariing utos nito.
Mabilis niyang tinungo ang hagdan na nakataas ang ulo.Sinikap niyang lumakad ng maayos upang hindi mahalata na nanlalambot ang kanyang tuhod.Paakyat na siya ng muli itong magsalita”Magkikita tayong muli Kristine.” Naroon ang katiyakan sa tinig nito bago ito naglakad patungo sa labas.
Nang makarating siya sa silid binagsak niya ang kanyang katawan sa kama at umiyak ng umiyak.
Hindi niya deserve ang lahat ng galit at pang iinsulto nito.Bakit parang siya pa ang galit.Bakit parang nagkabaligtaran ang pangyayari?Makalipas ang ilang sandali tinungo niya ang kanyang drawer kinuha ang box at binuksan.Tiningnan niya ang isang puting papel na kung paano na lang niya tinupi at siniksik doon.Kinuha niya muli ang puting papel at naalala na naman ang nakaraan..